Isang Nakakabilib Na Proposal Ang Ginawa Ng Japanese Na Ito Para Lang Pakasalan Siya Ng Kanyang Nobya

Paano nga ba natin nasusukat ang pagmamahal ng isang tao? Ano ang ating basehan para masabing mahal nga talaga tayo ng isang tao? Ano rin ang kaya nating gawin para sa ating minamahal? Puwede natin silang bigyan ng mga mamahaling mga gamit katulad ng singsing para maipakita ang ating pagmamahal. Pwede rin namang gumawa tayo ng mga bagay na ikasasaya o ikamamangha nila.




At ito nga ang ginawa ng Hapon na si Yasushi Takahashi. 11 taon nang mag kasintahan sina Yassan, kanyang palayaw, at ang kanyang girlfriend na si Natsuki. Sa haba ng kanilang relasyon, simbahan pa rin ang tuloy. Dahil dito, naisipan ni Yassan na mag-alok ng kasal kay Natsuki sa natatangi at kakaibang paraan. Hindi biro ang kanyang ginawa upang mabigyan lamang ng natatanging wedding proposal ang kanyang girlfriend.

Gamit ang Global Positioning System at Google Earth, ninais ni Yassan na magpropose kay Natsuki sa pamamagitan ng pag drawing ng salitang “Marry Me.” Ibig sabihin niyan, kailangan niyang lakbayin ang mga ruta o kalsada upang masukat ang salitang Marry Me sa mapa ng Google Earth. At para magawa niya ito, kinailangan niyang bumiyahe ng mahigit 4,400 milya. Sa katunayan ay nakarating siya ng Kagoshima mula sa Hokkaido para lamang matupad ang kanyang matagal nang plano. 6 na buwan rin ang kanyang ginugugol para magawa niya ito.

Hindi rin biro ang kanyang mga pinagdaanan dahil kailangan niyang harapin ang ulan, lindol, at kung anu-ano pa. Talagang “real-life adventure” ang ginawa ni Yassan para lamang makapag-propose sa kanyang girlfriend. At dahil diyan, nakapagtala siya ng kasaysayan ng malagay niya ang kanyang pangalan sa Guiness World Record.

Natuwa rin ang Google Earth sa ginawa ni Yassan kung kaya’t ginawan nila ito ng video at sa katunayan ay nag-viral pa ito sa social media.
Iba-iba man ang paraan ng ating pagpapakita ng pagmamahal sa isang tao, patunay pa rin ito na nakakagawa tayo ng mga nakakamanghang bagay para sa kanila.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *