Isang Nakakamanghang Bata Nakunan Ng Litrato Na Nagpapakain Ng Mga Pusa

Iba-iba ang uri ng kabaitan sa mundo. May kantang makatao, at may kabaitang maka-hayop. Sa panahon ngayon, marami na ang mga hayop na nauubos ang lahi dahil sa walang habas na pagpaslang natin sa kanila. Maliban pa rito, matinding polusyon rin na dulot natin ang dahilan kung bakit unti-unting nauubos at mawawasak ang kanilang natural na tirahan: ang Inang Kalikasan.




Bilang isang nilalang na may tamang pag-iisip, responsibilidad nating pangalagaan ang kalikasan na kinabibilangan ng mga pananim, karagatan, lupain, at sangkatauhan. Sa lahat ng mga nilalang ng Diyos, tayong mga tao lamang ay may isip na gawin ito. Pero bakit tila hindi natin napupunan ang responsibilidad na ito? Bakit sa halip na alagaan ay winawasak pa natin ito?

Marami na tayong nakitang mga alagang hayop na minamaltrato at pinapabayaan. Karaniwan sa mga biktima ng ganitong karahasan ay ang mga aso’t pusa. Sila ang karaniwang makikita natin sa lansangan na gutom, matamlay, punit ang balat, may mga sugat, at walang nag-aalaga. Marami sa atin ang nagwawalang kibo at hinahayaan lamang ang mga ito. Pero kung ating iisipin, pare-parehong may buhay iyan na kailangan ng pag-aalaga. Minsan nga, kung sino pa ang mga matatanda at may isip na, sila pa ang madalas nagiging pabaya.

Pero mabuti na lamang ay batang nag magandang loob na kahit sa kaniyang maliit at mumunting paraan ay nakagawa ng paraan para alagaan ang mga pusang pakalat-kalat sa lansangan. Nakunan ng isang netizen ang kabaitan ni Julius, isang 14 taong gulang na bata, habang pinapakain niya ang mga pusa sa lansangan.

Umani ng papuri mula sa netizens si Julius matapos kumalat ang kanyang litrato na nakuha ni Jason Bautista. Makikita sa litrato si Julius habang pinapakain ang mga pusang lansangan. Dalawang beses sa isang araw raw kung pumunta si Julius sa partikular na lugar na ito para lamang pakainin ang mga pusang gala.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *