Isang Nakakatawang Bumbay Ang Nagreklamo Sa Barangay

Nakakatawang bumbay, nagreklamo sa barangay! Sa ating buhay, hindi maiiwasan mangutang sa ating mga kamag-anak lalo na kapag gipit na gipit na tayo dahil sa mga gastusin natin sa loob ng ating pamumuhay. Ang pangungutang ay isang ugali ng mga Pilipino na patunay kung gaano ako ka-matulungin.

 




Kung sa usapang legal, dapat ang pangungutang ay dapat may isang kasunduan sa pagitan ng nangungutang at nagpapautang para kung sakaling hindi ito masunod ay maaaring makasuhan ang dapat managot. Dapat ring naka-notaryo ito mula sa abogado. Pero dahil napakaliit ng Pilipinas, marami sa atin ay magkakakilala na kung kaya’t hindi na kinakailangan ng isang kasunduang legal para magpautang.

Mas pinipili nating magkaroon ng “berbal” na kasunduan kung saan tiwala ang magiging basehan natin. Dahil dito, marami ang nagkakabaranggayan dahil lamang sa utang. Maliban pa rito, kilala rin ang mga Pilipino dahil sa kanilang madalas na paghiram sa mga “bumbay.” Ginawa nang kabuhay ng mga bumbay dito sa Pilipinas ang pagpapautang.

Illegal ang kanilang pagpapautang dahil wala siyang permit ngunit ito ay isa nang normal na gawain sa Pilipinas. At dahil illegal, wala ring kasunduan ng pagpapautang mga bumbay at sila rin ang pumupunta sa mga kliyente nila para maningil. “5-6” kung tawagin ang paraan ng pagpapautang bumbay dahil sa kung ikaw ay uutang sa kanila ng 5,000, babayaran mo ito ng 6,000. 20% ang interes na kanilang pinapatong sa mga nangungutang sa kanila.

dahil nga tayo ay mga Pilipino, minsan ay napakahirap rin nating singilin pagdating ng araw na ating pinangakong bayaran. Wala namang magawa ang mga bumbay dahil nga illegal sila kung kaya’t hindi nila pwedeng kasuhan ang mga nangutang dahil mabibisto rin ang kanilang iligal na gawain. At dahil ang mga bumbay ay mga banyaga, iba ang tono ng kanilang pag-tatagalog kumpara sa atin.

Ito ang minsa’y naging tampulan ng katatawanan nating mga Pilipino. Nito lamang ay kumalat ang video ng isang bumbay kung saan nagreklamo siya sa barangay dahil tila iniiwasan raw siya ng umutang sa kaniya. Ayon sa bumbay, “Pag lindol hindi ramdam, pag ako dating, layo pa lang ramdam na agad!” Maliban pa rito, sinabi niya ring,

“Ako bigay tali aso, ako singil di na tali!” Dahil diyan, kumalat na sa social media ang iba’t-ibang memes tungkol sa mga bumbay. Bagama’t nakakatawa, dapat din nating isipin na kailangan natin magbayad sa taong inutangan natin, bumbay man o hindi, para makaulit tayo sakaling magkaroon ulit tayo ng problema at pangangailangan.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *