Isang Online Seller Ang Matagumpay Na Businesswoman Ngayon Dahil Sa Kanyang Sipag At Tiyaga

Sa mundo ng pagnenegosyo, tunay nga naman na bago mo mararating ang kaunlaran na iyong pinapangarap, ay marami ka munang ibuhos na pagod at tiyaga.



Masasabi nga natin, na higit sa produktong binebenta ng isang negosyante, ay pinakamahalaga din ang samahan ito ng pagpupursige at determinasyon. Kinakailangan din na bawat bagay na iyong gagawin sa iyong pamumuhay, ay samahan mo ito ng panalangin sa Diyos, upang humingi ng gabay at pagpapala sa kanya.
Photo Credit: ricadetiquez/Instagram
Katulad na lamang ng isang simpleng online seller noon na si Rica Detiquez, kung saan ay naging puhunan niya sa pagiging matagumpay na sa larangan ng negosyo ay ang determinasyon, pagpupursige at syempre ang pinakamahalaga sa lahat , ang pagkapit niya sa pagpapala ng Diyos.
Photo Credit: ricadetiquez/Instagram
Noon ay isang online seller lamang si Rica, ngunit sinong mag-aakala na ngayon, ay may sarili na siyang malaking negosyo, dahil siya lang naman ang may-ari ng isa sa mga kilalang cosmetic products ngayon na “RYX Skincerity”.
Photo Credit: ricadetiquez/Instagram
Ngunit ayon, sa dalaga, bago niya naabot ang mga bagay na mayroon siya ngayon, ay hindi naging madali ang daan na kanyang tinahak.
Photo Credit: ricadetiquez/Instagram
Ibinahagi ni Rica, sa kanyang Facebook account kung ano ang kanyang mga ginawang pagsisikap upang maabot ang tagumpay na narating niya sa kanyang buhay ngayon. Ayon sa dalaga, noon pa man ay talagang determinado na siya, na maging matagumpay sa buhay.
Sa kwento nga ng dalaga, noon pa mang nag-aaral siya sa kolehiyo ay mahilig na talaga siya magbenta ng kung ano-ano. Tulad na lamang ng mga cosmetics, damit at pagkain sa kanyang mga kaklase at suki.
Photo Credit: ricadetiquez/Instagram
Hanggang sa siya nga ay makapagtapos ng kanyang pag-aaral at magkaroon ng trabaho, ay pinag tuloy pa rin ni Rica ang kanyang pagtitinda. Masasabi nga naman talagang napaka-hardworking ni Rica, dahil maliban sa pagiging isang empleyado ay ginagawa pa rin niya ang maging online seller.
Photo Credit: ricadetiquez/Instagram
Nang makapag-ipon na nag dalaga, ay naisipan niyang mag-umpisa ng kanyang sariling negosyo, kung saan hindi nagtagal ay nakilala at tinangkilik ng marami.
Photo Credit: ricadetiquez/Instagram
Photo Credit: ricadetiquez/Instagram
Dito na nga nag tuloy-tuloy ang magandang buhay para sa dalaga Magmula sa pagiging matagumpay ng kanyang negosyo, ay ipinatayo na rin ng dalaga ang kanyang pangarap na bahay,na kung saan ito ay isang malaki at magandang tahanan para sa kanyang pamilya.



Sa ngayon, ay patuloy ang paglago ng negosyo ni Rica na “RYX Skincerity”, at para nga sa dalaga, lahat ng biyayang kanyang tinatamasa ngayon ay lubos niyang ipinagpapasalamat sa Diyos na Lumikha.
Photo Credit: ricadetiquez/Instagram
Ano ang masasabi niyo sa kwento ng tagumpay ng dating online seller na si Rica? Na-inspire ba kayo sa kwento ng kanyang pagiging matagumpay sa buhay?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *