Isang Pinay At Foreigner Boyfriend Ibinahagi Ang Kanilang Nakakakilig Na Love Story Online

May Diyowa ka ba ngayon? San mo siya nakilala? Sa school, simbahan, park o di kaya fiesta ba? Hay ang pag-ibig nga naman ay maari nating matagpuan kahit saang lugar, basta’t puso natin ay tumibok sa taong ating makakatagpo sa lugar na ito o sa mga hindi mo inaasahang pagkakataon sa iyong buhay.




Bawat magkasintahan, mag-asawa o taong nag-iibigan nga ay may iba’t ibang kuwento ng pag-ibig, may iba na nakilala pa nga ang kanilang ‘the one’ sa ibang lupalop ng mundo, kagaya na nga lamang ng mga Pinay o Pinoy na ang mga asawa o kasintahan ay mga ibang lahi.

Image Credit via Google

Kung ang iba nga sa atin ay nag-aalinlangan na magkaroon ng ibang lahing partner sa buhay, ay mayroon naman na ito ay matapang na sinusubukan, kaya naman marami din ang nakikipagsapalaran sa mga dating online apps dahil baka doon nga nila makatagpo ang foreign boyfriend nila na kanila ngang magiging ‘the one.’

Image Credit via Google

Ang magkasintahan na sina Marybell Briones o Bella na isang Filipina at mula sa Oslob, Cebu at si Michael Wentz o Mikey na isa namang banyaga at mula nga sa Washington DC, sa USA ay isa nga lamang sa magkasintahan na magkaiba ang lahi at nagkakilala nga sa dating apps. At tulad ng ibang magkasintahan, sila din ay may kahanga-hangang kuwento ng pag-ibig.

Image Credit via Google

Kamakailan nga lamang ay naging laman ng social media ang love story ng magkasintahan, kung saan ito nga ay kinagiliwan ng mga netizens. Ayon sa kuwento nina Marybell at Mikey, silang dalawa ay nagkakilala noong taong 2018 sa isang online dating site.

Image Credit via Google

Nang mga panahon nga na iyon ay nagtatrabaho bilang medical technologist ang binatang si Mikey, at matapos ang kanilang pagkakakilala sa dating apps, ay nagtuloy-tuloy ang kanilang komunikasyon sa Instagram. Dahil sa madalas nilang pag-uusap at regular na komunikasyon sa isa’t isa, ay dito na nga sila nagkahulugan ng loob. Taong 2019 nga ng una silang magkita ng personal, at dito na nga sila mas lalo pang nagkamabutihan.

Samantala, agad ngang sinubok ang relasyon nina Mikey at Marybell, ito nga ay ng magkaroon ng krisis sa iba’t ibang panig ng mundo, dahilan upang matagal na panahon silang hindi magkasama at malayo nga sa isa’t isa. Sa kabila naman ng pagiging LDR (long distance relationship) ng dalawa ay napanatili nga nilang matatag ang kanilang relasyon at pagmamahal sa isa’t isa.

Dahil nga sa nakakatuwang kuwento ng pag-iibigan ng magkasintahan ay na-feature sila sa isang show sa GMA network kung saan ay nakapanayam sila ni Kara David, at dito nga ibinahagi ni Mikey kung ano ang nagustuhan niya sa Pinay girlfriend niya.

“I liked the way she looked… What’s really interesting is how she called herself petite so I checked her height and she said she was only 4’7″. I was like… I just want to talk to her.”
Para naman umano kay Bella ang nagustuhan niya kay Mikey ay ang pagiging family-oriented nito at ang pagiging adventurous ng binata.




Hindi naman inasahan ni Maribell o Bella na sa pagkakataon nga na ito habang sila ay nasa panayam ni Kara David ay magpo-propose sa kanya ang nobyo na mas lalo pa ngang nagbigay kasiyahan sa kanya.

Kalaunan nga ay nakabalik ng Pilipinas si Mikey, at at sa pagkakataon na ito ay tuluyan na nga niya ibinigay sa dalagang Pinay ang alay niyang engagement ring dito. Sinulit din nilang magkasintahan ang pagkakataon na muli silang magkasama.

Leave a Reply

Your email address will not be published.