Isang Pinay Na Dating Kalahok Ng “The Voice Philippines” Miyembro Na Ng Sikat Na Hip Hop Group Na Black Eyed Peas

Ang Black Eyed Peas ay isang sikat na American Iconic Hip Hop Group na kilala dito sa ating bansa at saan mang panig ng mundo dahil sa kanilang mga magagandang awitin. Ilan sa mga awiting kanilang pinasikat ay ang Time of My Life, Where is the Love, Bebot at ang I Got a Feeling na hanggang ngayon ay maririnig pa rin natin na may mga kababayan tayong kinakanta o pinapatunog ang mga awiting ito.

Image Credit via Google




Ang mga miyembro ng grupong ito ay sina William Adams a.k.a as will.i.am, Allan Pineda Lindo a.k.a apl.de.ap at si James Luis Gomez a.k.a taboo.

Image Credit via Google

Nitong nakaraang SEA Games na ginanap dito sa ating bansa, ay nakilala ng ating mga kababayan ang bagong miyembro ng grupo na si Jessica Reynoso, isang Filipina-African.
Unang nakilala si Jessica dito sa ating bansa ng siya ay lumahok sa “The Voice Blind Audition”, taong 2013 kung saan siya unang nakilala ng Black Eyed Peas member na si Apl.De.Ap. dahil isa ito sa mga coach ng kompetisyon.

Image Credit via Google

Sa kanyang ipinakitang galing at talento sa blind audition ay napatayo niya ang coach na si Apl, na sinundan naman ng pag-ikot ng dalawa pang coaches’ ng nasabing audition na sina Lea Salonga at Sarah Geronimo.

Image Credit via Google

Sa pagkakataong iyon na sumali si Jessica sa The Voice Blind Audition at nakilala niya si Apld. DE.ap, ay doon pla magbabago ang kanyang buhay at magsisimula ang kanyang career.

Image Credit via Google

Noon ay sinabi ng Black Eyed Peas member na tutulungan niya si Jessica at gagawin niya ang lahat para makilala at maging tanyag ito na hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa ibang panig pa ng mundo.

Ang mga salitang ito ni Apl.De. Ap kay Jessica ay talaga nga namang binigyan nya ng katotohanan, dahil makalipas ang anim na taon ng pagsasama-sama ni Jessica Reynoso sa mga world tour ng “The Black Eyed Peas”, ngayon ay ipinakilala na siya bilang isang opisyal na miyembro ng grupo.

At sa naging performance ng grupo sa naganap na closing ceremony ng SEA Games dito sa Pilipinas, ay kasama na si Jessica Reynoso sa mga nagbigay ng mga masiglang awitin na kinagigiliwan ng mga manonood.




Ang buhay umano ni Jessica Reynoso ay may pagkakahawig sa kwento ng buhay ni Apl.De.Ap. Si Jessica ay lumaki sa pag-aaruga ng mga taong umapon sa kanya na itinuturing niyang kanyang mga magulang, dahil ang kanyang mga tunay na magulang na isang Filipina at ama na mula sa South Africa ay hindi niya nakilala.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *