Isang Pinoy Engineer Sa Denmark Iniwan Ang Kanyang Trabaho Upang Tumulong Sa Paggawa Ng Kauna-unahang Subway Sa Pilipinas

Iniwan ng Isang Filipino Engineer ang kanyang maayos at magandang trabaho sa Denmark, upang tulungan ang Pilipinas sa paggawa kauna-unahang Subway sa ating bansa
Ang Overseas Filipino Worker (OFW) na si Deo Miranda ay isang railway engineer sa Denmark, kung saan ay maayos ang kanyang trabaho at pamumuhay dahil nasusuportahan niya ng maayos ang kanyang pamilya.

Image Credit via Google




Ngunit ang magandang trabaho sa Denmark ay nagawang iwan ni Deo, ito ay ng makita niya ang isang post na nangangailangan ng isang cutter head prototype para sa gagawing Metro Manila Subway Project.

Image Credit via Google

Ayon kay Deo ng makita niya ang post na ito alam niya na kailangan siya sa proyektong ito na kailangan siya ng kanyang bansa, ang kanyang galing at kaalaman sa pagiging isang railway engineer sa Denmark ay isang malaking tulong na magawa ng maayos at matibay ang gagawing LRT-2 subway dito sa ating bansa.

Image Credit via Google

Marami ang humanga sa ginawang ito ng OFW, dahil sa kabila ng kanyang magandang trabaho sa Denmark ay mas binigyan niya ng halaga ang makatulong sa ating bansa. Isa sa mga nagbigay ng kanyang paghanga kay Deo ay si Secretary Tugade.

Image Credit via Google

“Para sa akin, bayani ang mga OFWs. Bayani sila dahil sila ay nagsasakripisyo at nakikipagsapalaran sa ibang bansa para maiahon ang kani-kanilang pamilya sa hirap. Ngunit talaga ring nakakaantig ng puso kung ang isang OFW, kahit sobrang laki ng kinikita sa ibang bansa, pagdedesisyon bumalik at tumulong sa bayan at magsabi ng Pilipinas naman.” Ang isang mensahe ng saad ni Secretary Tugade.

Noong November 4, nagsimula na nga si Deo na pagsilbihan ang ating bansa bilang isang Engineer IV para sa LRT-2 East at LRT-2 West Project Teams.

Ayon pa kay Deo, susuportahan niya ang kasalukuyang administrasyon sa pagkakaroon ng vision na magkaroon ng maayos na transportasyon ang bawat mamamayang Pilipino na nagsisipag byahe sa pang-araw araw kanilang pamumuhay.




Isa nga namang talagang kahanga-hanga an gating kababayan na si Deo dahil kahit siya ay may magandang trabaho na sa ibang bansa, at malaki ang kinikita roon ay mas pinili pa rin niyang balikan ang ating bansa at dito ipagpatuloy ang kanyang pagtatrabaho upang ang kanyang galing at kaalaman ay ang ating bansa naman ang makikinabang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *