Isang Pinoy Seaman Nakilala Ng Napakagandang Babae Sa Barko Na Naging Kanyang Fiancee

Masasabi natin na isa sa pinakamahirap na trabaho ay ang pagiging isang seafarer, dahil habang ikaw ay nasa laot at sakay ng barko ay ramdam mo ang lungkot dulot ng pagiging malayo sa pamilya, mga kaibigan at mga taong iyong minamahal.




Sa isang relasyon nga tulad ng mag-asawa o magkasintahan ay mahirap ang ganitong set-up na kung tawagin ay Long Distance Relationship o LDR, marami ang nauuwi ang pagsasama sa hiwalayan ngunit marami rin naman ang nagiging matatag sa kabila ng pagkakalayo sa ia’t isa.

Photo Credit: bryan_calonia/Instagram

Ngunit ngayon ay isang kwento ng nakamamanghag pag-iibigan ang ating matutunghayan, dahil ito ay isang love story na nagsimula sa pagkakakilala nila sa barko, at pinagtibay pa lalo ng husto kahit pa nga ba LDR ang kanilang relasyon.

Photo Credit: bryan_calonia/Instagram

Kamakailan lamang ay isang seaman ang usap-usapan sa social media dahil sa ipinamalas nitong katatagan ng loob at hindi pagpapatinag sa anumang pagsubok upang mapanatiling matatag ang kanilang relasyon ng kanyang girlfriend sa kabila ng pagkakalayo nila sa isa’t isa.

Photo Credit: bryan_calonia/Instagram

Si Jim Bryan Beray Calonia, ay isang Head Bar Tender sa Holland America Line, at sa kanyang pagiging isang seafarer ay dito nga niya natagpuan ang kanyang true love, na talaga namang napakaganda ,kung saan ay isa itong foreigner.

Photo Credit: bryan_calonia/Instagram

Sa kabila nga ng mahirap na komunikasyon ng dalawa dahil sa LDR ang relasyon nila at habang nasa barko si Jim ay nanatiling matatag ang kanilang relasyon.

Photo Credit: bryan_calonia/Instagram

Kahit nga minsan ay halos hindi magtugma ang oras nila upang makausap ang isa’t isa sa pamamagitan ng video call o tawag ay hindi sila gumagawa ng mga bagay na alam nilang maaring makasira sa kanilang relasyon, bagkus ay mas kumakapit sila sa pangako at pagmamahal nila sa isa’t isa.

Photo Credit: bryan_calonia/Instagram

Tila naman, lahat ng pagod, puyat at sakripisyo ni Jim Bryan habang nakikipagsapalaran sa barko ay napawi nang makilala at makasama niya ang kanyang tunay na pag-ibig, na ngayon nga ay hindi lang ito basta nobya lang kundi fiancee na niya.




Makikita naman sa mga larawan ng magkasintahan na lubos silang maligaya sa bawat sandaling sila ay magkasama, at kitang kita ang pagmamahal nila sa isa’t isa.
Isang inspirasyon naman para sa iba ang love story na ito ng magkasintahan, dahil sa kabila ng LDR ay napanatili nilang matatag at matibay ang relasyon na mayroon silang dalawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.