Isang Pinoy Seaman Viral Ngayon Dahil Sa Napakagandang Fiancee Na Nakilala Niya Habang Siya Ay Nasa Barko

Masasabi natin na isa sa pinakamahirap na trabaho ay ang pagiging isang seafarer, dahil habang ikaw ay nasa laot at sakay ng barko ay ramdam mo ang lungkot dulot ng pagiging malayo sa pamilya, mga kaibigan at mga taong iyong minamahal.



Sa isang relasyon nga tulad ng mag-asawa o magkasintahan ay mahirap ang ganitong set-up na kung tawagin ay Long Distance Relationship o LDR, marami ang nauuwi ang pagsasama sa hiwalayan ngunit marami rin naman ang nagiging matatag sa kabila ng magkalayo sa isa’t isa.
Image Credit via Google
Ngunit ngayon ay isang kwento ng nakamamanghag pag-iibigan ng ating matutunghayan, dahil ito ay isang love story na nagsimula sa pagkakakilala nila sa barko, at pinagtibay pa lalo ng husto kahit pa nga ba LDR ang kanilang relasyon.
Image Credit via Google
Kamakailan lamang ay isang seaman ang usap-usapan sa social media dahil sa ipinamalas nitong katatagan ng loob at hindi pagpapatatag sa anumang pagsubok upang mapanatiling matatag ang kanilang relasyon ng kanyang girlfriend sa kabila ng pagkakalayo nila sa isa’t isa.
Image Credit via Google
Si Jim Bryan Beray Calonia, ay isang Head Bartender sa Holland America Line, at sa kanyang pagiging isang seafarer ay dito nga niya natagpuan ang kanyang true love, na talaga namang napakaganda ,kung saan ay isa itong foreigner.
Image Credit via Google
Sa kabila nga ng mahirap na komunikasyon ng dalawa dahil sa LDR ang relasyon nila at habang nasa barko si Jim ay nanatiling matatag ang kanilang relasyon.
Image Credit via Google
Kahit na minsan ay halos hindi magkatugma ang oras nila upang makausap ang isa’t isa sa pamamagitan ng video call o tawag ay hindi sila gumagawa ng mga bagay na alam nilang maaring makasira sa kanilang relasyon, bagkus ay mas kumakapit sila sa pangako at pagmamahal nila sa isa’t isa.



Tila naman, lahat ng pagod, puyat at sakripisyo ni Jim Bryan habang nakikipagsapalaran sa barko ay napawi nang makilala at makasama niya ang kanyang tunay na pag-ibig, na ngayon nga ay hindi lang ito basta nobya lang kundi fiancee na niya.
Makikita naman sa mga larawan ng magkasintahan na lubos silang maligaya sa bawat sandaling sila ay magkasama, at kitang kita ang pagmamahal nila sa isa’t isa.
Isang inspirasyon naman para sa iba ang love story na ito ng magkasintahan, dahil sa kabila ng LDR ay napanatili nilang matatag at matibay ang relasyon na meron silang dalawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *