Isang Romantic Dinner Date Ang Naganap Sa 7th Anniversary Celebration Ng Magkasintahang Dennis Trillo At Jennylyn Mercado

Patatag ng patatag ang relasyon ng magkasintahang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, dahil sa ngayong taon ay ipinagdiwang na ng dalawa ang kanilang ika-7 anibersaryo bilang magkasintahan.




Si Dennis Trillo, ay tinaguriang Kapuso Drama King ng GMA-7 Network, at si Jennylyn Mercado naman ay tinaguriang ang Ultimate Star ng kaparehong network.

Image Credit: mercadojenny/Instagram

Isang romantic dinner date sa Antonio’s sa Tagaytay naman ang naging ganap sa selebrasyon ng 7th anniversary ng magkasintahan, kung saan ay sabay ang dalawa na nagtungo sa nasabing lugar.

Image Credit: mercadojenny/Instagram

Sa Instagram account ng aktor, ay makikita ang naging pagbabahagi nito ng isang video na naging kaganapan sa dinner date nila ng kasintahang si Jennylyn. Kalakip naman ng video na ito ay ang caption ni Dennis na, “Seven years strong.”

Image Credit: mercadojenny/Instagram

Samantala, noon ngang Bagong Taon, ay magkasamang sinalubong ng magkasintahan ang 2021, sa Tagaytay Highlands, kung saan ay kasama rin nila ang kanilang mga pamilya.

Image Credit: mercadojenny/Instagram

Sa mga larawan nga nina Dennis at Jennylyn na kuha noong Bagong Taon, ay makikita na kasama nila ang binata ng anak ni Jennylyn Mercado na si Alex Jazz, na ang ama ay si Patrick Garcia, na ex-boyfriend ng aktres. Kasama rin sa nasabing mga larawan Calix Andreas ang anak ni Dennis Trillo sa dating karelasyong beauty queen na si Carlene Aguilar.

Image Credit: mercadojenny/Instagram

Matatandaan na sina taong 2010 ng mapabalita ang pagkakamabutihan nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, ngunit taong 2011, ay agad ding lumabas ang balita na paghihiwalay ng dalawa.

Image Credit: mercadojenny/Instagram

Muling nabigyan ng pagkakataon ang relasyon ng dalawa at nagkabalikan ng magsama silang muli sa isang Telebabad series ng GMA na My Faithful Husband.

Taong 2020 ng magkaroon ng magkaroon ng sold-out special Valentines Day Concert sina Jennylyn at Dennis, kung saan ito ay tinawag nilang CoLove, isang live concert version ng pinagsama-samang mga awitin nilang dalawa.




Noong nakaraang taon rin ay ngsama muli sa sa isang sa proyektong “Truly.Madly. Deadly.” Ang magkasintahan, kung saan ito ay isang mini series anthology ng I can See You.

Hindi nga lamang sa mga proyekto magkasama ang dalawa, dahil maging sa pagtulong sa kapwa, ay tulungan rin ang magkasintahan, isa na sa mga ito ay ang ginawa nilang pag-launched ng StarTruck, isang relief drive na mag-aabot ng tulong para sa mga kababayan natin sa Cagayan na nasalanta ng bagyong Ulysses noong nagdaang taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *