Isang Street Sweeper Ang Personal Na Binigyan Ng Bike Ni Gretchen Ho Para Sa Kanyang Hanapbuhay

Si Gretchen Ho ay kilala ng marami bilang isang TV hots at volleyball player. Maliban nga pa dito, ay kilala din ngayon si Gretchen, dahil sa kanyang mga adbokasiya, at ginawang pagtulong sa kapwa, lalo na ng magkaroon ng krisis sa ating bansa.



Isa sa mga proyekto na ginawa ni Gretchen nitong panahon ng krisis ay ang “Donate a Bike, Save a Job” campaign, kung saan ay layunin nitong matulungan ang mga kababayan na nawalan ng trabaho at hirap makapasok sa trabaho.
Image Credit: gretchenho/Instagram
Nito nga lamang nakaraan, ay isa sa mga naging benepisyaryo o natulungan ng proyekto ni Gretchen ang kanyang ipinakilala sa atin, at ito nga ay kinilalang si “Tatay Bong”.
Ayon nga kay Gretchen, isang streetsweeper si Tatay Bong, at ito ay naninirahan sa barong-barong na walang kuryente at tubig sa Cubao, kung saan kasama niya rin dito ang kanyang tatlong anak.
Image Credit: gretchenho/Instagram
“Sa madilim na sulok na ito sa Cubao nakatira ang streetsweeper na si Tatay Bong at ang kanyang mga anak. ilang taon na rin silang walang kuryente at tubig”, ang naging saad nga ni Gretchen.
Image Credit: gretchenho/Instagram
Isa nga si Tatay Bong sa mga kababayan natin na talaga namang mas nakaranas ng hirap ng buhay ng magkaroon ng krisis sa ating bansa. Maging ang kanyang tatlong anak, ay danas rin ang hirap na ito, lalo na ngayon na naka-distance learning sila.
Image Credit: gretchenho/Instagram
Ibinahagi pa nga ni Gretchen, na upang mairaos ng mga anak ni Tatay Bong ang distance learning, sa kabila ng wala silang kuryente upang ilawan ang kanilang barong-barong, ay sa labas ng bahay at sa ilalim ng poste na may liwanag nag-aaral ang mga bata.
Image Credit: gretchenho/Instagram
Kwento pa ni Gretchen Ho, ng dumating sila sa barong-barong nina Tatay Bong, ay nahulog pa ito habang ini-install ang solar lamp, ito ay dahil sa madilim nga.
“Ok naman siya. Biniro ko na lang. Sabi ko, ‘Tay, sa bawat sakit may ginhawa”, ani ni Gretchen.
Image Credit: gretchenho/Instagram
Dito na mga personal na inabot ni Gretchen kay Tatay Bong ang bagong bisikleta para rito, kung saan ayon kay Tatay Bong ay kakabitan niya ng cart ang naturang bisikleta para mag-fishball vendor na lang siya, at mapapantayan pa niya ang kanyang mga anak.
Hindi nga lamang ang bisikleta ang natanggap ng mag-ama mula sa grupo nina Gretchen. Dahil maliban sa foldable na bisikleta ay iniabot din nina Gretchen kana Tatay Bong ang mga groceries, solar lights, electric fan, at gas stove, kung saan ayon sa TV host ang mga ito ay galing mga netizens.



Tunay nga naman na malaking tulong ang ibinigay ni Gretchen at mga netizens kay Tatay Bong at sa mga anak nito, dahil ngayong sila ay may solar light na, ay hindi na mahihirapan pa ang mga bata na makapag-aral, at lumabas pa upang mag-aral sa ilalim ng maliwanag na poste.
Matatandaan na ang proyektong ito ni Gretchen Ho na “Donate a Bike, Save a Job”, ay nagsimula lahat noong buwan ng Hunyo, ng magkaroon ng ECQ sa ating bansa, kung saan ay marami sa ating mga kababayan ang hirap sa pagpasok sa trabaho dahil sa sila’y walang masakyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *