Isang Sweet Video Ang Ginawa Ni Kathryn Bernardo Para Sa Kaarawan Ng Nobyong Si Daniel Padilla

Ang magka-love team at magkasintahan sa totoong buhay na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang isa sa pinaka-nakakakilig na tambalan ngayon sa showbiz.




Marami sa kanilang mga taga suporta ang nag-aabang ng mga bagong ganap sa buhay ni Daniel at Kathryn. Kaya naman talagang hindi nakapagtataka kung marami ang nag-aabang ng mga new videos na ini-upload ni Kathryn sa kanyang Youtube Channel.

Photo Credit/bernardokath/Instagram

Matagal-tagal na rin ng mag-upload ang aktres na si Kathryn Bernardo ng video sa kanyang Youtube Channel na “Everyday Kath”.

Photo Credit/bernardokath/Instagram

Ngunit kamakailan lamang ay muling nagpost ang aktres ng isang video, na talagang nag pakilig sa marami niyang mga subscribers at followers.

Photo Credit/bernardokath/Instagram

Ang video ng ito ay isang sweet greeting video ni Kathryn, para sa kanyang ka loveteam at real-life boyfriend na si Daniel Padilla sa pagdiriwang nito ng ika-25 birthday nito.

Photo Credit/bernardokath/Instagram

Ipinost ni Kathryn sa kanyang vlog ang isang sweetest greeting niya para kay Daniel, ito ay isang video compilation kung saan ay ipinapakita ang mga travels ng dalawa na masayang at sweet silang magkasama at mga video ni Daniel na mismong si Kathryn ang kumuha.

Photo Credit/bernardokath/Instagram

Kalakip ng video na ito, ay ang isang maiksi ngunit napaka damdaming mensahe ng aktres para kay Daniel.

“There’s a side of you that not everyone gets to see, and it’s probably my favorite. So today, I want to show the world what a beautiful person you really are. If only they can see you the way I see you – your smile, your laughter, your heart. Your soft and fragile side.”

Sa instagram post naman ni Kathryn, ay muli niyang pinasalamatan si Daniel dahil sa hindi niya inakala na may lalaking pang katulad nito na nagbibigay sa kanya ng sobra sobrang respeto at pagmamahal.




“Thank you for living proof that guys like you still do exist in this world. I love you so much! Happy birthday, mahal!”

Kasama ng post na ito ng aktres ay ang link para sa kanyang mga followers para mabisita ng mga ito at makita sa kanyang Youtube Channel ang heartwarming vlog niya na may pamagat na “The Way I See You”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *