Hindi matatawaran ang husay sa pagiging aktres ni Jodi Sta. Maria, ngunit sa kabila ng kanyang tagumpay bilang isang artista ay nagsumikap pa rin siyang tuparin ang isa sa mga noon pa man ay kanyang pinapangarap, at ito nga ay ang makapagtapos ng kolehiyo sa kursong nais niya at magkamit nga ng kanyang maipagmamalaking diploma.
At nito nga lamang nakaraan, ay matagumpay ng natupad ni Jodi ang pangarap niya, dahil ngayon ay nakapagtapos na nga siya ng kolehiyo.
Nito nga lamang ika-23 ng Hunyo ay nagbahagi si Jodi sa kanyang Instagram account ng kanyang larawan kung saan siya ay nakasuot ng toga, habang punong puno ng ngiti ang kanyang mga labi dahil sa kasiyahan.

Si Jodi ay nakapagtapos ng kursong Bachelor’s degree in Psychology sa Southville International School, kung saan ay nakatanggap pa siya ng “Deans Merit” dahil simula ng siya ay magbalik sa pag-aaral sa kolehiyo ay consistent ang pagiging isa niyang honor student.
Kalakip naman ng graduation photo ni Jodi na ibinahagi niya sa kanyang socia media account, ay ang ang mensahe niya na punong-puno ng inspirasyon, hindi lang para sa mga kabataan na nag-aaral, kundi maging sa mga taong nagnanais na matupad ang pangarap nilang edukasyon.

“Success come to those who want it, and sometimes you have ask to yourself, ‘how much do I want this?’ I dreamt of finishing my schooling ever since I entered show business and today, after more than a decade, marks the fulfilment of that dream. After 4 long years, I am here graduating form college”,a ang naging panimulang bungad nga ng Kapamilya actress.

Dagdag pa niya, “In school, whenever I faced a seemingly insurmountable task, I’d always push myself and say, ‘It can be done’. I knew that God was with me all throughout my college life ang kept holding on to his promise that I can do all things through Him who gave me strength and supplied me with more than I needed according to His glorious riches in Christ Jesus. God is always faithful in His word.”

Hindi rin naman mawawala sa mensahe ni Jodi ang pasasalamat niya sa lahat ng taong nagbigay suporta sa ilang taon na siya’y nagbalik sa kanyang pag-aaral.
“My teachers, my family, my management team, and my friends.
Thank you for letting me reach my stars. To God all the glory, honor and praise.” Muli ring ipinaalala ng aktres sa lahat ng mga taong nangangarap na makapagtapos ng pag-aaral na hindi pa huli ang lahat para ito’y makamtan. “Remember, it is never too late, and you never too old to reach your stars.”