Ito Na Pala Ang Kasalukuyang Kalagayan Ng Buhay Ngayon Ng Dating Childstar Na Si Eliza Pineda

Natatandaan niyo pa ba si Eliza Pineda? Isa siya sa mga mahusay na batang artista noon sa Kapamilya network na hinahangaan dahil sa kanyang magaling na pag-arte at taglay na mala-anghel na mukha.




Dahil sa marami sa mga teleseryeng kanyang kinabilangan at pinagbidahan ang talagang pumatok sa maraming mga manonood ay isa nga siya sa maituturing na top child star noong 2000’s. Ang isa nga sa kanyang mga hindi malilimutang teleserye na kanyang pinagbidahan bilang isang child star ay ang “Maria Flor De Luna.”

Photo Credit via Instagram

Napabilang rin noon si Eliza sa pelikulang “Kung Fu Kids” at isa rin siya sa mga cute at bibong bata na kinagiliwan ng maraming mga manonood noon sa kid gag show na “Goin’ Bulilit’. Sa kanyang angking talento ay talaga namang nakagawa ng sariling pangalan sa Kapamilya network si Eliza Pineda bilang isang child star.

Photo Credit via Instagram

Sa kasalukuyan ang batang bibo na kinagigiliwan natin noon na si Eliza Pineda ay isa na ngang 24-taong gulang, kung saan ay isa na siya ngayon sa mga aabangan nating aktres sa Kapuso network.

Photo Credit via Instagram

Makikita sa mga larawan na ibinahagi ni Eliza sa kanyang social media na ngayon nga ay talaga namang dalagang-dala na siya, mula sa pananamit hanggang sa pag-aayos ng kanyang napakagandang mukha. Kung noon ay kinagiliwan natin ang kanyang mala-anghel na mukha ngayon ay hahangaan naman natin ang taglay niyang kagandahan.

Photo Credit via Instagram

Samantala, ayon sa mga lumabas na ulat ng isang online entertainment magazine, kasalukuyang gumagawa ng mga photoshoots si Eliza para sa isang men’s magazine.
Ayon naman mismo kay Eliza ang kanyang mga magulang ay nakasuporta lagi sa kanya, kabilang na dito ang desisyon niya na magkaroon ng mas ‘daring’ at ‘mature’ role sa mga ibibigay na proyekto sa kanya.




Marami na nga ang nag-aabang sa paglabas ni Eliza sa Kapuso network lalo na ang kanyang mga tagahnaga at tagasuporta, ngunit sa kabila ng hanggang ngayon ay hindi pa rin siya lumalabas sa anumang proyekto ng naturang network ay patuloy pa ring nakukuha ng dalaga ang pansin ng mga netizens lalo na sa social media. Sa katunayan ang kanyang Instagram account ay mayroon na ngayong 161,000 followers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *