Ito Pala Ang Magiging Hitsura Ng Pilipinas Kapag May Nyebe

Dalawa lamang ang klima dito sa Pilipinas: tag-init, at tag-ulan. Buwan ng Mayo nagsisimula ang tag-ulan habang sa buwan naman ng Marso nagsisimula ang tag-init. Matinding baha at malalakas na bagyo ang dinaranas ng mga Pilipino tuwing tag-ulan at kapag dumarating ang tag-init ay grabeng init naman ang nararamdaman ng mga Pinoy.




Tuwing tag-init rin nagkakaroon ng kakulangan sa tubig at sinasabayan pa ng palagiang pagkawala ng kuryente. Ito ang dahilan kung bakit tila delubyo ang dinaranas ng mga Pinoy sa dalawang klima na ito.

Kani-kaniyang pakulo ang mga Pilipino upang maiwasan ang kainin ang kanilang nadarama. Karamihan sa kanila ay pumunta sa mga resort na may swimming pool kasama ang buong pamilya at iba’y dumadaloy sa iba’t-ibang lugar upang maligo sa karagatan. Nauuso rin ang mga inflatable pool tuwing panahon ng tag-init.

Pero para sa isang netizen na si Kurt Ian Ferrer, imbis na pumunta pa sa kung saan-saan mas minabuti niya na lang na palawigin ang kaniyang imahinasyon. Dahil ang Pilipinas ay malapit sa ekwador, hindi tayo nakakaranas ng niyebe katulad sa ibang bansa katulad ng hilagang Amerika. Kaya naman, naisip ni Kurt na gamitin ang kanyang kakayahan upang lagyan ng niyebe ang Pilipinas.

Gamit ang kanyang galing sa pag-eedit, in-edit niya ang ilang lugar sa Pilipinas at nilagyan ito ng mga effects para magmukhang may niyebe. Sa unang litrato, makikita ang isang kalye sa Maynila na napapalibutan ng niyebe. Isa sa mga atraksyon dito ay ang manong na nagtitinda ng taho na napapalibutan ng niyebe. Sa sunod naman na litrato makikita ang matinding trapik sa kalsada ng Maynila kung saan natabunan na ng niyebe ang mga sasakyan. Nasama rin sa kanyang mga in-edit ang LRT.

Marami ang namangha sa ginawa ni Kurt. Marami rin ang nagtaka kung paano nga ba talaga kung mayroong nyebe sa Pilipinas? Paano nga ba ang magiging itsura ng Pilipinas. Bagama’t magandang tingnan, kailangan nating isipin ang mga pulubing walang tahanan na sa pagkakataong magkaroon nga ng niyebe ay saan sila titira?




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *