Ito Pala Ang Napakayamang Anak At Napakagandang Anak Ni Chavit Singson

Ano kaya ang pakiramdam bilang isang mayamang tao? Ano kaya ang pakiramdam na mayroon kang limpak-limpak na salapi sa iyong bank account? Siguro, hindi ka mapakali dahil hindi mo alam kung saan mo paggagastusan ang pera mo. Ang mga mayayaman ay yumayaman dahil sa malalago kanilang negosyo at sa kanilang mga koneksyon sa gobyerno at sa mga kilalang mga tao.




Isa sa mga kilalang negosyante at pulitika sa Pilipinas ay ang 77-taong-gulang na si Luis Crisologo Singson o mas kilala bilang si Chavit Singson. Maliban sa pagmamay-ari ng LCS Group of Companies, siya rin ang gobernador ng Ilocos Sur. Taong 2008 nang matalaga si Singson bilang Deputy National Security Adviser para sa gobyerno.

Taong 2017, si Singson ang humawak ng Miss Universe nang ganapin ito sa Pilipinas. Ayon sa dating kalihim ng Departamento ng Turismo na si Wanda Teao, 11 milyong dolyar ang kaniyang ibinigay sa organisasyon para lamang matuloy ang prestihiyosong kompetisyon sa Pilipinas. Ayon sa mga balita, 13 milyong dolyar ang nagastos para sa kompetisyon at para mabigyan ng maayos na tuluyan ang mga kandidata, kinakailangang kalabitin ni Singson ang mga “sponsors” mula sa mga bigating hotel dito sa Pilipinas.

Maliban pa rito, lumaban rin si Singson sa “bidding” para magtayo ng isang telecommunications company dito sa Pilipinas. Kung pinalad sana ay ito ang magiging pangatlong telecommunications provider dito sa Pilipinas. Simula noong taong 2018, siya ang presidente ng Philippine National Shooting Association.

Mayaman at makapangyarihan si Singson, pero lingid sa kaalaman ng lahat, sa likod ng kanyang kayamanan at kapangyarihan ay mayroon pala siyang itinatago pang yaman: ang kanyang anak. Bagama’t hindi pa lumalabas sa telebisyon, unti-unti nang sumisikat si Chelsey Singson sa pamamagitan ng social media. Sa katunayan, mayroon na siyang 34,100 na followers sa kaniyang Instagram account. Makikita sa kaniyang Instagram feed ang mga litrato kung saan bumabyahe siya sa iba’t-ibang lugar. Si Chelsey ay may anak: si Mateo Rafael Singson.

Bagama’t wala pang masiyadong laman ang kaniyang Instagram feed, kapansin-pansin sa mga litrato ang hilig ng babaeng Singson sa motorsiklo.
Natatangi ang ganda ni Chelsey at ang katawan nito. Halatang malusog ang kaniyang pamumuhay at alagang-alaga ang kaniyang pangangatawan.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *