Ito Pala Ang Pinagkakaabalahan Erich Gonzales Ngayong Quarantine

Isa si Erich Gonzales sa mga hinahangaan at pinakamagandang aktres sa industriya ng showbiz.Ang kanyang karisma at taglay na talento bilang isang aktres ay talaga namang hinahangaan sa kanya ng marami niyang mga tagahanga.




Masasabi nga naman natin na si Erich ngayon ay isa sa pinaka matagumpay ang karera sa industriya ng showbiz dahil sa dami ng kanyang mga proyektong nagawa.Ngunit, sa kabila kasikatan ng aktres nananatili pa rin ang pagiging simple niya sa buhay.

Image Credit via Google

Hindi gaya ng ibang artista, si Erich ay hindi ugaling mag-post ng mga mamahaling bagay sa kanyang social media accounts na nagpapakita ng karangyaan sa buhay bagkus mas pinili niya na ibahagi kung gaano kasimple ang kaniyang pamumuhay.

Image Credit via Google

Maliban sa pagbabahagi ni Erich ng simpleng pagkain gaya ng sardinas, pinasilip rin ng aktres ang kanilang bakuran na kanyang kinakaaliwan ngayong quarantine.

Image Credit via Google

Ang gawain niyang ito ay pinaglaanan niya ng maraming oras gaya na lamang ng pagtatanim ng ibat ibang bulaklak at gulay lalo na ngayong nakakaramdam ang marami sa atin ng kahirapan dala ng krisis.

Image Credit via Google

Ipinakita ng aktres sa kanyang mga tagahanga sa pamamagitan ng isang video sa kanyang youtube channel, ang laman ng kanyang bakuran na siya mismo ang nagtanim. Matatagpuan nga rito ang iba’t ibang klase ng mga halaman kagaya na lamang ng ornamental plants at mga bulaklak tulad ng kalachuchi.

Image Credit via Google

Samantala, ang kanilang tahanan naman ay napapalibutan ng naglalakihang palm trees na nagbibigay ng sariwang hangin na na pagdudulot ng maginhawang pakiramdam.

Makikita rin sa bakuran ng aktres ang iba’t ibang uri ng gulay at prutas tulad ng papaya, saging, mangga, kalamansi, pinya, niyog, guyabano at iba pa.Agaw pansin naman sa video ang malaking puno ng kalamansi ng aktres.




Nabanggit nya pa nga sa video na gumagamit pa siya ng hagdan sa upang makapag pitas lamang ng bunga nito, dahil sa taas nito.Pahayag ng aktres na masaya siyang nakikita ang bakuran niya na unti unti ang paglago at unti unting pamumunga rin ng mga ito.

Maraming netizens ang humanga sa kasimplehan ng pamumuhay ng aktres sa kabila ng tinatamasa ng kasikatan sa industriya ng showbiz.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *