Ito Pala Ang Tunay Na Itsura Ng Buhok Ni Vice Ganda Ng Walang Suot Suot Na Wig

Ang sikat at popular na komedyante na si Vice Ganda ay madalas nating nasisilayan sa ating mga telebisyon. Siya ay isa sa mga komedyante na talaga namang naghahatid ng “good vibes” sa maraming mga manonood. Sa tuwing nakikita natin ang tinaguriang Unkabogable Star ng showbiz sa kanyang mga kinabibilangan show ay madalas nga natin napapansin sa kanya ay ang iba’t ibang kulay at ayos ng kanyang buhok. Ang buhok na ito ni Vice ay mga wig lamang, at kailanman nga ay hindi niya pa napapakita sa publiko ang totoong hitsura ng kanyang buhok.




Madalas nga na itinatago ni Vice sa pamamagitan ng kanyang mga makukulay na wig ang tunay niyang buhok. Samantala, marami naman ang mga nagnanais na makita ang tunay buhok na Vice, lalo na ang kanyang mga tagahanga. Kaya naman nito lamang nakaraan, ay pinagbigyan na niya ang kanyang mga tagahanga, at sa pamamagitan ng kanyang vlog ay ipinakita na nga niya sa madlang pipol ang tunay na hitsura ng kanyang buhok.

Image Credit via Google

Bumisita si Vice nito lamang nakaraan sa salon ng kanyang anak-anakan na si Ryan Bang, ito nga ay ang MoriduArt salon. Sa naging pagbisita ng Unkabogable Star, ay kanya ngang ipinakita sa publiko ang tunay na hitsura at kulay ng kanyang buhok, ito ay matapos niyang magpa-hair makeover sa naturang salon.

Image Credit via Google

Ayon kay Vice itinampok niya sa kanyang vlog ang salon ni Ryan upan suportahan ang ipinatayong business ng kanyang anak-anakan. Ang nasabing salon ay sarado ng araw ng ‘yon, ngunit dahil sa magkakaroon ng hair-makeover ang Unkabogable star na malapit nga sa may-ari ng salon na si Ryan Bang, ay binuksan ito para ma-shoot ang gagawing hair makeover ng komdeyante.

Image Credit via Google

Pagbabahagi pa ng komedyante, ang gagawa ng kanyang scalp treatment at mula pa sa bansang Korea, kaya naman talagang espesyal ang kanyang hair make over.
Sa naging pagsisimula ng proseso na gagawin sa buhok ni Vice ay tinanggal na nga ng komedyante ang kanyang turban, at sa naging pagtanggal na nga niya na ito, ay lumantad na sa madlang pipol ang tunay na hitsura ng kanyang buhok.

Image Credit via Google

Kapansin-pansin naman sa tunay na hitsura ng buhok ni Vice na ito ay manipis at dry na, at dahil nga sa madalas na pagsusuot ng wig ng komedyante ay unti-unti ng nakakalbo ang unahang bahagi ng kanyang ulo. Kuwento ni Vice, upang maitago niya ang kanyang tunay na buhok, ay itinatali niya ito, lalo na nga’t may kahabahaan na ito, upang ang makita nga lamang ng lahat ay ang kanyang magandang mlga wig na buhok.




Aminado naman ang Unkabogable star, na dahil hindi nga kagandahan ang kanyang buhok, ay isa ito sa mga “insecurities” niya noon. Habang ine-enjoy naman ni Vica ang khair treatment na ginagawa sa kanyang buhok, ay nagsalita naman ang kanyang anak-anakan na si Ryan Bang, at sinabi nga nito na ang magiging resulta ng treatment na ginawa sa komedyante, ay makikita pagkalipas pa ng walong linggo matapos gawin ang treatment.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *