Itsura Ng Lugar Kung Saan Gaganapin Ang 2020 Olympics Ipinasilip Sa Japan

Nakakalula sa laki at lawak!!! Ipinasilip ng Japan ang lugar kung saan gaganapin ang Tokyo 2020 Olympics Ang bansang Japan ang tatayong host sa darating na Tokyo 2020 Olympics, na kung saan ay nalalapit na dahil papalapit na ang pagpasok ng taong 2020.
Image Credit via Google



Bago nga matapos ang taon ay ipinasilip ng bansang Japan, ang venue na pagdarausan ng Tokyo 2020 Olympics. Ilan sa mga larawang ibinahagi ay ang kanilang bagong National Stadium o mas kilala na Olympic Stadium, ito ang nagsisilbing pangunahing venue sa gaganaping Tokyo 2020 Olympics kung saan magaganap ang opening at closing ceremonies ng nasabing patimpalak.
Image Credit via Google
Sadyang napakalawak at napakalaki ng Olympic Stadium ng Japan, dahil ang mga upuan nito ay aabot sa 68,000 katao ang pwedeng umukupa at pwede pa umano itong iextend at ukupahan ng higit sa 80,000.
Image Credit via Google
Ibinida naman ng Tokyo sa kanilang Facebook page ang nasabing lugar kung saan gaganapin ang Tokyo 2020 Olympic. “The Olympic Stadium is AMAZING! What an Incredible venue! This is a place where records will be broken, legends will be made and the world’s best will be crowned next year at Tokyo 2020” , ang makikitang post sa facebook page ng Tokyo.
Image Credit via Google
Hindi nga lang sa Olympic Stadium mamamangha ang mga darayo at manonood sa gaganaping Tokyo 2020 Olympics, dahil ang isa pang venue na pagdarausan ng ibang palaro katulad ng swimming, diving at iba pa., ay napakalaki at napakalakas din, at makikita rin dito ang pinakamalawak na swimming pool.
Image Credit via Google
Ang venue na ito ay ang Tokyo, Aquatic Centre na makikita sa Tatsumi, Park sa Koto Ward, ito ang pangalawang venue na pagdarausan ng Tokyo 2020 Olympic. Noong Oktubre ay 90% na ng nasabing venue ang maayos na at pwede ng gamitin sa nalalapit na Olympics, at kung ito ay matatapos ng 100%, ang nasabing lugar din ang magiging pinakamalaking swimming facilities sa buong mundo.
Dalawang taon umano ang ginugul sa pagbuo at pagpapaganda ng lugar na ito, upang paghahanda sa gaganaping Tokyo 2020 Olympics. Ayon naman sa Tokyo 2020 organizers, ay talagang mamamangha ang mga athletes at manonood na dyaryo sa Tokyo 2020 Olympics, dahil ang Tokyo Aquatic Centre ay napakaganda ang pagkakagawa at pagkaka disenyo lalo na ang pinakamalawak na swimming pool.



Malamang sa malamang ay excited na ang mga manlalaro sa papalapit na Tokyo 2020 Olympics dahil sa ang gaganda ng mga lugar na pagdarausan ng napakalaking event na ito.
Sa anim na venue na pagdarausan ng Tokyo 2020 Olympic ay apat na sa mga ito ang maayos na as of November 2019.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *