Ivana Alawi At Daniel Padilla Agarang Nag Abot Ng Kanilang Pagtulong Sa Mga Kababayang Nasalanta Ng Bagyong Ulysses

Upang makatulong sa mga kababayan nating labis na naapektuhan ng dumaang bagy0ng Ulysses, ay personal na nagtungo ang actress-vlogger na si Ivana Alawi sa mga lugar na labis ang natamong pinsala noong kasagsagan ng nasabing bagy0 upang doon ay mamahagi ng kanyang pagtulong at pangangamusta na rin sa ating mga kababayan.




Isa sa mga lugar na labis na nasalanta ng bagyong Ulysses ay ang Cagayan province, kung saan ay talaga namang halos nilamon na ng matinding pagbaha ang ilang mga lugar sa buong lalawigan nito. Makikita nga sa mga balita, kung gaano kalaki ang naging pinsala ng bagyong Ulysses sa Cagayan, lalo na sa mga kababayan natin na naninirahan doon.

Image Credit via Google

Mga relief goods at iba pang mga donasyon, ang ibinigay na tulong ni Ivana sa mga taga-Cagayan at taga-Tuguegarao na nawalan ng tirahan at kabuhayan dahil sa bagyong Ulysses.

Image Credit via Google

Bago pa man ang naging pamimigay ng mga relief goods ni Ivana, ay nauna muna itong nakipag-ugnayan sa provincial capitol, upang doon ibigay ang kanyang donasyon. Nag-courtesy call din si Ivana sa Gobernador ng Cagayan na si Fov. Manuel Mamba, na personal namang nagpasalamat sa aktres, dahil sa naging pagtulong nito sa kanilang probinsya.

Image Credit via Google

Makikita naman sa isang naging post ni Meng Caranguian Batang sa kanyang social media account, ang larawan ni Ivana Alawi, na kitang-kitang abala sa pangangamusta sa mga tagaroon kasabay ng pamamahagi ng relief goods na dala nito. Kalakip nga ng larawan na ito, ay ang caption na;

Image Credit via Google

“IVANA ALAWI distributing relief goods at LINAO NORTE TUGUEGARAO CITY CAGAYAN PROUD SISTER HERE.” Samantala, maging si Teen King Daniel Padilla, ay personal ring namahagi ng mga relief packs, sa mga kababayan natin labis na nasalanta ng bagyong Ulysses.

Image Credit via Google

Hindi nga lang ang ayuda at mga dala-dalang relief goods ang nagbigay sigla sa mga residenteng nasalanta ng bagyo, dahil ng personal na makita ng mga ito si Daniel Padilla, ay domoble ang sigla at saya na kanyang nadarama, kung saan tila kahit saglit lamang ay tila lumipas ang kanilang kalungkutan dahil sa kanilang pinagdadaanan.

Image Credit via Google

Makikita nga sa ilang mga larawan na kumakalat ngayon sa social media, na isa ang aktor na si Daniel Padilla sa mga nag-repack ng mga food packs na ipapamahagi nilang pamilya sa mga nasalanta ng bagyo. Katulong din ni Daniel ang kanyang mga kapatid at iba pang kapamilya, sa pagre-repacked.

Pinasalamatan naman ni Karla Estrada, in ani Daniel Padilla, ang lahat ng tao na nagpa-abot ng mga tulong, para mas dumami pa ang mga ayuda na kanilang maibibigay para sa mga nasalanta ng bagyo.

“First batch id off to our kapamilya na sabik na kaming marating! Salamat sa buong pamilya ko na naki-impake at sa mga tagahanga ng pamilya narin namin! Solid to! LET’S GO!!!!Tulong tulong para sa pagsulong!”, ang naging caption ni Karla, sa larawang ibinahagi niya sa Instagram.




Sa kabila nga ng kinakaharap na pagsubok ng marami nating kababayan ngayon dahil sa kawalan ng tahanan at kabuhayan sa naging pagdaan ng bagy0ng Ulysses, ay makikita naman na hindi nawawala ang kanilang pag-asa na muling makakabangon, lalo pa’t marami ang nagmamagandang-loob na mag-abot ng tulong para sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *