Ivana Alawi Handang Harapin Ano Man Ang Kasong Isasampa Sa Kanya Dahil Sa Nilabag Umanong Batas Ng “Pulubi Prank”

Kamakailan lamang ng marami ang humanga at na-inspire sa aktres na si Ivana Alawi dahil sa kanyang ginawang kabutihan sa mga kababayan natin na sa kabila ng kahirapan na kanilang nararanasan ay nagawa pa ring tulungan ang isang pulubi, sa kanya ngang ginawa ng ‘pulubi prank’.




Samantala, matatandaan nga na kabilang sa mga natulungan ni Ivana noong ginawa niya ang ‘pulubi prank’ ay si Tatay Joselito, isang kutsinta vendor, na ngayon nga ay itinuturing na ng tatay ng sexy actress-vlogger, matapos nga siya nitong paiyakin sa kanyang ginawang vlog.

Image Credit via Google

Ngunit kung mayroon ngang na-inspire sa ginawa ng sexy actress-vlogger, ay mayroon din ngang mga bumatikos sa kanyang ginawa, at ito nga ay nakarating na sa kanyang kaalaman.

Image Credit via Google

Maliban pa nga sa mga taong bumabatikos sa kanya, ay mayroon ding mga nagbabanta na siya’y kakasuhan, dahil sa mayroon siyang nagawa ng paglabag sa health protocols, ng gawin niya ang ‘pulubi prank’ niya sa kalsada.

Image Credit via Google

Isa nga umano sa mga nilabag ng sexy actress-vlogger ay ang naging paglabas sa kalsada sa gitna ng nangyayaring pandemya, dagdag pa nito, ay ang pagbabawal na namamalimos sa lansangan.

Image Credit via Google

Buong tapang naman na sinagot ni Ivana ang mga bumabatikos sa kanya, at ang mga nagsasabi nga na kakasuhan siya. “Kung may nilabag ang batas, eh di kasuhan na lang nila ako. Haharapin ko ‘yun. Lalaban ako, ‘di ba?”, sey ng sexy actress-vlogger.

Image Credit via Google

Depensa pa nga niya, para sa kanya, ay walang mali sa kanyang ginawa, dahil ang tanging nais lang niya ay ang makatulong at makapagbigay inspirasyon sa iba.
“Kasi para sa akin, I didn’t do anything wrong. Ang intention ko was just to help out and to inspire people.”

Image Credit via Google

“Wala akong tinapakan na tao, wala akong nasaktan na tao. Masaya ako sa video and I would do it again”, dagdag na saad pa ni Ivana. Sey pa nga ni Ivana, ngayon ay na-realize niya sa kanyang buhay na may masasabi at masasabi talaga ang mga taon, anuman ang gagawin mo, mabuti man ito o masama.




“Hayaan na lang natin. Narealize ko sa buhay, parang no matter what you do, kung may gagawin kang maganda, kung may gagawin kang hindi maganda, laging may masasabi sila”, pahayag pa ng actress-vlogger.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *