Ivana Alawi Ihahandog Sa Mga ‘Single Mom’ Ang Kikitain Sa Ginawang Mother’s Day Vlog

Sa selebrasyon ng Mother’s Day ay panibagong vlog din ang handog ng actress-vlogger na si Ivana Alawi sa kanyang mga taga-suporta. Kung saan, sa vlog nga niyang ito ay ipinakita niya ang inihanda nila ng kanyang mga kapatid na sorpresa para sa kanilang ina, na si Fatima Marbella.




Bago ipinakita nina Ivana sa kanilang ina, ang inihanda nilang picnic lunch ay inayusan muna nila ito, at kasunod nga nito ay ibinigay nila ang bulaklak na handog nila para rito.
Kitang-kita naman kay Mommy Fatima ang kanyang kaligayahan sa sorpresa ng kanyang mga anak sa kanya.

Image Credit via YouTUbe

“Today, we must make you feel special and loved, and give you back kahit konting pagmamahal na ibibigay niyo sa aming mga anak mo.
“At single mother siya and pinalaki niya kaming apat na magkakapatid”, ang naging pahayag ni Ivana sa isang bahagi ng vlog niyang ito.

Image Credit via YouTUbe

Samantala, hindi nga lamang kay Mommy Fatima may sorpresang handog si Ivana Alawi. Dahil sa vlog niyang ito ay nangako ang Kapamilya actress-vlogger na ihahandog niya sa mga single mom ang kikitain ng vlog na ito, kung saan ay aprubado naman sa kanyang ina.

Image Credit via YouTUbe

“So, napagkasunduan namin ni Mama na ‘yung kita nitong vlog na ‘to is ido-donate namin sa charity. Maghahanap kami ng mga charity na mga single moms katulad ng aming Mama”, ang naging sey ni Ivana.

Video Credit: Ivana Alawi/YouTUbe

Ang desisyon nga na ito ni Ivana ay approve na approve kay Mommy Fatima;
“Very, very, very happy”, ang naging pahayag ng in ani Ivana, sabay thumbs up.
Pinakiusapan naman ni Ivana sa mga sumusuporta at nanonood ng kanyang mga vlogs na huwag i-skip ng mga ito ang mga ads na lumalabs sa vlog.




“So, please guysl don’t skip the ads kasi may iba kayong matutulungan. Ang mga tulong din is galing sa inyo, and we want to say thank you for supporting us”, ani Ivana.

Talaga namang napakarami ng mga tao ang natulungan ng actress-vlogger na si Ivana Alawi dahil sa kanyang ginagawang mga vlog. At tunay din na patuloy ang nagiging pagbuhos ng napakaraming biyaya sa kanya dahil sa pagbabahagi niya ng kanyang mga biyaya sa ibang mga tao, lalo na nga sa mga nangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *