Ivana Alawi Ikinuwento Ang Hirap Na Pinagdaanan Bago Narating Ang Tinatamasang Karangyaan At Kasikatan Ngayon Sa Buhay

Napakarami na tayong narinig na kuwento ng tagumpay sa buhay ng isang tao, kung saan ngayon ay namumuhay ng kumpotable at marangya matapos dumaan sa matinding pagsubok at hirap ng buhay. Ngunit batid niyo ba, na isa sa mga pinakasikat, hinahangaan at marangyang vlogger ngayon sa ating bansa ang may ganitong uri rin ng kuwento sa kanyang buhay?




Isa sa mga pinakasikat, popular at may napakarangyang buhay ngayon na actress-vlogger sa ating bansa ay si Ivana Alawi. Bago pa man siya naging isang sikat na vlogger, ay nauna muna siyang nakilala bilang isang aktres sa Kapamilya network.

Image Credit via Google

Ngunit bago naging kilala sa mundo ng showbiz, ay minsan ng hindi pinalad na makapasok sa industriya ng showbiz si Ivana, at ito nga ay ng panahon na sumali siya sa reality talent show ng GMA na “StarStruck.” Sa kabila nga ng una niyang pagkabigo, ay muli siyang sumubok hanggang sa magbukas ang pinto ng oportunidad sa kanya sa Kapamilya network noon ngang taong 2018.

Image Credit via Google

Matatandaan na ilan sa mga Kapamilya serye na kinabilangan ni Ivana ay ang Precious hearts Romance na “Araw Gabi” at sa “FPJ’s Ang Probisnyano”. Taong 2019 naman ay nakuha niya ang pagkakataon na magkaroon ng unang lead role, sa Kapamilya primetime series noon na “Sino ang Maysala?”

Image Credit via Google

Noon namang taong 2020 ay dapat mayroong proyekto na pagbibidahan si Ivana, ngunit hind inga ito natuloy dahil sa [email protected] Ngunit kahit na hindi natuloy ang nasabing proyekto ay umarangkada naman ang kasikatan niya bilang isang hinahangaang vlogger, matapos ngang umabot sa 13.3 milyon na mga subscribers ang kanyang YouTube channel.

Image Credit via Google

Masasabi nga natin na ngayon ay talaga namang napakaganda, nakapakumportable at napakarangya na ng buhay ni Ivana at ng kanyang pamilya, dahil sa magandang takbo ng karera niya bilang isang actress-vlogger.

Ngunit , lingid nga sa kaalaman ng marami sa atin, ay bago nakamit ni Ivana ang lahat ng tinatamasa niyang kasikatan at tagumpay ngayon sa kanyang buhay ay dumaan muna siya at kanyang pamilya sa matinding hirap.

Sa latest vlog nga ni Ivana nito lamang ika-12 ng Hunyo, ay nakasama niya ang kanyang mga kapatid na sina Hashim at Mona at dito ay napag-kuwentuhan nila kung ano ang buhay nila noon. Aminado si Ivana, na kahit nu’ng siya’y hindi pa sikat, ay nasa puso at isipan na niya ang pagiging breadwinner ng kanyang pamilya.

Sa nasabing vlog na ito, ay tinanong ni Mona si Ivana kung bakit kahit napakabata pa nito ay buong sipag at tiyaga itong tumutulong sa kanilang pamilya, kung saan ay walang kagatol-gatol naman itong sinagot ni Ivana na gusto niya talaga ang tumulong sa pamilya.

Naibahagi pa ni Ivana, na kahit noon ngang hindi pa siya artista, ay determinado na siya na makatulong sa pamilya sa pamamagitan lamang ng ginagawa niyang mga raket. Ikinuwento pa niya na noon ay naranasan niyang mamigay ng ‘flyers’ para lamang kumita ng pera.

Dagdag pa ni Ivana, mas lalo siyang natuto sa paghahanapbuhay nung hindi na sila sinusuportahan ng kanilang ama, saad pa niya may pagkakataon pa nga noon na naranasan niyang mawalan talaga ng raket dahil nga sa hitsura niya.

“Nung nawala yung aming tatay, nung hindi kami sinusuportahan, nagpa-flyering ako, nagraraket para makatulong din sa pamilya. “Dumating din yung time na wala akong naging raket, kasi pangit ako.”

Agad namang kumontra si Mona ng sabihin ito ni Ivana, dahil ayon nga sa kanya ay maganda ang nakatatandang kapatid. Ipinaliwanag naman ni Ivana ang ibig niyang sabihin, kung saan masalas umanong hindi pasado ang kanyang height sa requirements.




Ibinahagi rin ni Ivana na noon ay si Mona ang nagsalba sa gastusin nilang pamilya, nang ang kanya ngang kapatid ay magsimula sa industriya ng showbiz. Si Mona umano ang naging katulong ng kanilang mama Fatima sa mga pangangailangan nila. Muli naman umanong sinubok ang pagtutulungan nilang pamilya, ng magpahinga sa pag-aartista si Mona.

“If any of us finds that much success, automatically each one will help each other”, ang naging pahayag ni Hashim. “Kasi ganun kami pinalaki. Hindi kami pinalako na maging makasarili. I’ll always be here for you, guys”, ang naging pagsang-ayon naman ni Ivana sa kapatid na si Hashim.

“We think as a family. Kaya I really look up to ate”, dagdag na saad naman ni Mona.
Kuwento pa ni Ivana talaga namang napakahirap ng buhay nila noong maghiwalay ang kanilang mga magulang.

Ayon sa kanya, matapos maghiwalay ng ina niyang si mama Fatima at ama niyang Morrocan na si Samier Al-Alawi ay nagbalik sila ng kanyang mama sa Pilipinas at dito nga nila naranasan ang mangutang dahil sa kawalan ng pera.

Naranasan umano ng kanyang ina na mangutang sa tindahan dahil sa hirap ng buhay at saw ala silang makain. Naranasan pa umano nila na mag-ulam ng toyo sa kanin, dahil saw ala na umanong nais magpautang sa kanyang ina noon.




Matatandaan naman na noong taong 2018 ay muling nagtagpo si Ivana at ang kanyang amang Morrocan, ngunit maikling sandali lamang ito dahil sa nasawi rin ito matapos magkaroon ng heart attack.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na ng pumanaw ang am ani Ivana ay sa actress-vlogger nga nito ipinamana ang lahat ng mga ari-arian nito na nasa bansang Bahrain.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *