Ivana Alawi Ikuwenento Ang Mga Pinagdaanan Bago Makilala Sa Showbiz

Marami sa atin ang nangangarap na makapasok sa showbiz at makilala bilang isa sa mga kilalang artista. Pero alam naman nating lahat na bago pa maabot ang kasikatan sa mundo ng showbiz ay marami ang mga pagsubok na pagdada-anan, isa sa mga ito ay ang rejections sa kung ilang ulit mong pag-auditions.

Photo Credit: ivanaalawi/Instagram




Ngunit may kasabihan nga na “Rejections is a part of Success”, at ganito ang nangyari sa karera ni Ivana Alawi bago niya nakamtam ang tinatamasa na niyang kasikatan ngayon. Sa kanyang Youtube Vlog ay muling binalikan ng sexy at magandang actress ang mga pagsubok na kinaharap niya bago niya pa marating ang popularidad at kasikatan na tinatamasa niya ngayon.

Photo Credit: ivanaalawi/Instagram

Ikinuwento ng aktres sa kanyang Youtube Vlog na una niyang sinubukan noon para makapasok sa industriya ay ang pag-audition para sa Tv Commercials, ngunit lagi na lamang umano siya narereject.

Photo Credit: ivanaalawi/Instagram

“Nag-audition ako sa commercials, ayon rejected pa rin ang lola niyo. So much rejections in life. Sa dami-dami kong vini-TR wala akong nakuha. Maraming beses ako nag-audition pero lahat ng ‘yun hindi para sa akin.” Ang pagsisimula ng kwento ng aktres.

Photo Credit: ivanaalawi/Instagram

Hindi nga lamang sa mga Tv commercials sumubok si Ivana, dahil ayon pa rin sa kanya nasubukan din niya ang magpa extra-extra sa mga palabas.

Photo Credit: ivanaalawi/Instagram

 

“Sa totoo lang nagstart talaga ako from the bottom. Galing talaga ako sa baba at nagtry talaga ako sa pagiging extra. Dumaan ako sa likod, mga background, ganon.” Pagpapatuloy ng aktres.

Photo Credit: ivanaalawi/Instagram

Ibinahagi dining aktres na sinubukan din niya ang makapasok sa Pinoy Big Brother House (PBB), at nag-audition siya dito noon.

Photo Credit: ivanaalawi/Instagram

“Nang-audition ako sa pangarap ko na PBB. Pumila ako sa audition sa Marikina. Pumila kami ng 4 AM para makapunta ako sa unahan dahil ang dami eh 9,000 yata ang pumila that day tapos kasama ko si mama, tapos tulog kami sa kalye. Kasi parang 4 AM, natapos ako ng 4 AM the next day. Parang 24 hours’ kami nandon and then nakuha ako sa Marikina.”

Photo Credit: ivanaalawi/Instagram

Laking tuwa na umano ng aktres ng makasama siya sa mga sinabihang babalik upang mag-audition muli, dahil sa 9,000 na pumila ay kasama siya sa natirang 100.
“Ang saya ko non kasi out of 9,000 siguro 100 kami natira so ang saya ang sarap sa pakiramdam noong time nay un.”

Ayon pa kay Ivana sumubok din umano siya sa entrepreneurship, matapos ang naging pag audition niya sa PBB. Hanggang sa inilapit siya ng kanyang ina sa isang renowned talent manager at doon nga nagsimula ang takbo ng kanyang karera bilang actress.




“May time talaga siya eh. Hindi palagi mong oras, at hindi laging oo. Marami kang pagdadaanan na rejection bago mo ma-meet ang pangarap mo. After 10 years of trying, nakita ko ang sarili ko sa TV na umaarte.” Ang pagkukwento pa ng aktres.

Para rin sa aktres lahat ng popularidad na tinatamasa niya ngayon ay nagpapasalamat niyong lahat sa kanyang ina. Dahil ang kanyang ina ang talagang sumuporta sa pangarap niya na hindi bumitaw at nagpush sa kanya na matupad iyon.

“Lahat ng ‘yun hindi dahil sa akin, hindi dahil bumalik ang tiwala ko sa sarili ko, hindi dahil hindi ako nag-give up. Kundi dahil kay mama kasi siya yung hindi nag-give up sa akin.” Ayon sa aktres.

Masaya nga naman sa pakiramdam na ang kasikatan at popularidad na tinatamasa ay alam mo ang iyong pinaghirapan, at wala ng mas sasaya pa kung alam mo na sa bawat ups and downs mo sa iyong buhay, higit sa iyong mga pangarap ay may isang tao na laging nandyan sa iyo na susuportahan ang bawat paglalakbay na tinatahak mo.




Napakaswerte ni Ivana sa kanyang ina, na hindi binitawan ang pangarap ng kanyang anak at todo suporta upang matupad ito. Ngayon ay pormal na, talent at actress na si Ivana Alawi ng ABS-CBN Network, ito ay matapos ang naging pagperma niya ng exclusive contract sa nasabing network noong February 7.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *