Ivana Alawi May Handog Na 10k Pesos At Helmet Kada Isang Rider Na Magde-Deliver Sa Kanya

Ang sikat at popular na vlogger na si Ivana Alawi ay isa sa mga hinahangaang actress-vlogger sa Pilipinas, hindi lang sa kanyang angking ganda at karismang taglay kundi mas lalo na sa pagkakaroon niya ng mabuting kalooban.




Ilang beses na ngang pinatunayan ni Ivana sa lahat kung gaano kabuti ang kanyang puso, lalo na sa mga taong higit na nangangailangan. At para nga sa kanya ang pagbabahagi ng biyaya na kanyang natatanggap ngayon sa kanyang buhay, ay isa lamang sa mga paraan niya upang ibalik sa publiko ang naging pagsuporta nito sa kanyang pagiging isang vlogger.

Image Credit via YouTube

Kamakailan nga lamang ay muling namahagi ng biyaya si Ivana, at sa pagkakataon ngang ito ay napili niyang bahaginan ang masisipag at magigiting na rider, kung saan ang mga ito nga ay isa sa mga itinuturing na bayani ngayong panahon ng krisis at krisis.

Image Credit via YouTube

Mas lalo pa ngang ninais na bigyang biyaya ang mga riders, ng mabalitaan niya na marami sa mga ito ang nabibiktima ng mga fake buyers. “Yung reason talaga kung bakit ko ‘to ginagawa is because marami akong nakikita na scammer na mga tao na akala nila nakakatawa na pagtripan ang mga driver na nagpapakahirap magtrabaho”, ang naging bungad nga ni Ivana sa kanyang vlog.

Image Credit via YouTube

Ayon nga kay Ivana, espesyal sa kanya ang naturang vlog na ito na kanyang ginawa dahil sa isa rin siya sa mga indibidwal na mahilig umorder online kaya naman malapit ang kanyang puso sa masisipag na delivery rider.

Image Credit via YouTube

Ang naging paraan nga ng pagtulong ni Ivana sa mga delivery rider ay ang pamimigay ng helmet sa mga ito, kung saan ay siya mismo ang pumili ng tila isang dekalidad na helmet na magiging panangga ng mga riders magkaroon man ng hindi sinasadyang aksidente sa daan.

Image Credit via YouTube

Maliban pa sa helmet ay mamimigay rin ng tig sampung libong piso si Ivana sa bawat rider na kanyang matatawagan na makakasagot ng tama man o mali sa kanyang katanungan.
At para nga hindi siya makilala ng mga delivery rider ay gumamit ng ibang numero at pangalan si Ivana sa pagtawag sa mga ito.

Image Credit via YouTube

Nang simulan na nga ni Ivana ang pagtawag sa mga rider at nagsimula nan gang magdeliver ang mga ito sa kanya, ay samu’t saring emosyon ang naramdaman ng mga ito lalo na ng papiliin sila ni Ivana ng helmet at bigyan pa nga ng instant cash na tumataginting na 10k pesos.

Image Credit via YouTube

Lahat ng mga natawagang rider ng actress-vlogger ay umuwing masaya at abot-langit ang naging pasasalamat kay Ivana dahil sa biyayang ibinigay nito sa kanila.

Video Credit: Ivana Alawi/YouTube

Bago naman tinapos ni Ivana ang kanyang vlog, ay nagbigay payo siya sa kanyang mga tagasuporta at viewers, na sa panahon ngayon ay imbis na pangloloko sa kapwa ang ating gawin ay mas mainam kung gumawa tayo ng bagay na makakatulong sa iba kahit sa maliit na pamamaraan man.




“Maraming way na maglokohan kayo pero huwag mong pagtripan ang isang tao na nagtatrabaho nang marangal. Kaya ako, I’ll try to help in my own small way”, ani ni Ivana.
Marami naman sa mga netizens ang muling “napa-sana all” sa mga natanggap ng mga rider na binigay ni Ivana, ngunit maliban dito ay mas marami naman ang lubos na humanga sa actress-vlogger dahil sa taglay na kabutihan niya sa kanyang kapwa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *