Ivana Alawi Na-Spottan Na Ipinagshopping Ang Kutsinta Vendor Na Nagpa Iyak Sa Kanya

Kamakailan nga lamang ay gumawa ng isang vlog ang actress-vlogger na si Ivana Alawi, kung saan siya’y nagpanggap na pulubi upang makatulong sa mga taong nasa kalye na may mabuting loob na ginagawa pa rin tumulong sa kabila ng kanilang kahirapan.




Image Credit via Google

Sa nasabing vlog nga ng aktres ay nakadaupang palad niya si Tatay Joselito Martinez, isang 58-taong gulang na kutsinta vendor, na tumulong nga sa aktres at nagpakita ng magandang loob dito. Dahil sa kabutihan nga ni Tatay Joselito,

Image Credit via Google

ay hindi napigilan ni Ivana na maging emosyonal ng naka-kwentuhan niya ito hang siya’y nagpapanggap na pulubi. At dahil sa talagang nabaitan siya kay Tatay Carlito, ay sinabi niya na ito’y ipapahanap niya upang mas tulungan pa.

Image Credit via Google

Ngayon nga ay kumalat na sa social media ang mga larawan ni Ivana, kung saan ay makikita nga na nagkita na silang muli ni Tatay Joselito.

Image Credit via Google

Ilan nga sa mga larawan na makikita sa social media na kinunan ng ilang mga netizens, ay ang larawan kung saan ay makikita ang actress-vlogger kasama si Tatay Joselito na nasa loob ng isang appliances center. Tila, ipinag shopping nga ni Ivana ng appliances si Tatay Joselito.

Image Credit via Google

Maliban pa sa nasabing larawan, ay mayroon pa nga na makikita naman na nakasakay si Ivana sa isang motorsiklo, na ang hula nga ng iba ay binili ito ng sexy actress para kay Tatay Joselito.

Image Credit via Google

May video naman na kumalat rin sa social media, kung saan naman makikita na magkasama at masayang kumakain sa isang kainan sina tatay Joselito at Ivana.




Matatandaan na sa naging vlog ni Ivana, ay binigyan niya ng 20,000 si Tatay Joselito ng abutan siya nito ng P20, ng siya’y magpanggap na pulubi at nanghihingi ng pamasahe pauwi sa Baguio.

Sobra ngang na-touch si Ivana sa kabaitan na ipinamalas ni Tatay Joselito, kaya naman talagang napa-iyak siya nito. “Sobrang bait niyo Tatay, pinaiyak niyo ako”, ani Ivana.

“Ganyan talaga ako Ma’am pag may nanghihingi ng tulong sa akin. Binibigyan ko,” ang naging sagot naman ni Tatay Joselito, na tubong Ormoc at pansamantalang naninirahan sa Laguna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *