Ivana Alawi Pinakilig Ang Mga Netizens Ng Maging Panauhin Nila Si Donnalyn Bartolome Na Crush Ni Hashim

Isa sa mga hinahangaan at popular na vlogger ngayon ay ang singer-actress na si Donnalyn Bartolome, ito ay dahil maliban sa pagkakaroon nito ng mala-manyikang kagandahan ay napakabuti rin ng kalooban nito.




Tunay ngang napakarami ang humahanga kay Donnalyn, kagaya na lamang ng kanyang milyong-milyong mga followers at subscribers. At sa milyon-milyon ngang ito, ay nabibilang sa mga tagahanga niya ang kapatid ng actress at YouTube star na si Ivana Alawi.

Image Credit via YouTube

Samantala, kamakailan nga lamang ay kasama ni Ivana sa kanyang latest vlog ang kapwa vlogger din na si Donnalyn, kung saan ay naging panauhin nga ito ng dalaga sa kanilang tahanan, dahil sa nakipag-collaborate siya dito para sorpresahin ang kanyang kapatid na si Hashim.

Image Credit via YouTube

Nang dumalaw nga si Donnalyn sa tahanan ng pamilya Alawi, ay hindi nga maitago ng kapatid ni Ivana na si Hashim ang kanyang kasiyahan at kilig ng makita ang kanyang “crush”, at talaga namang naging “speechless” siya.

Image Credit via YouTube

Ang latest vlog kasi na ito ni Ivana, ay tinawag niyang “yaya for a day”, kung saan ay naisip niya nga ang bagong pakulo na ito para sa kanyang pamilya.

Image Credit via YouTube

Hindi naman ikala ni Hashim, na pagtawag3 pala ng “backup” ang kanyang actress-vlogger na kapatid, at ito nga ay sa katauhan ng matagal na niyang “crush” na si Donnalyn Bartolome.

Image Credit via YouTube

“Surprise! Your crush is here, Ms. Donnalyn Bartolome!”, ani Ivana kay Hashim.
Kitang-kita nga sa naging reaksyon ni Hashim ang labis na kasiyahan na sa wakas ay nakita na niya ang matagal na niyang “crush.” Halos mapunit nga ang labi ng binata, dahil sa lapad ng kanyang pagkakangiti ng makita si Donnalyn.

Image Credit via YouTube

Dahil nga sa talagang naging “speechless” si Hashim ng makita ang crush niyang si Donnalyn, ay pati si Ivana, Mama Alawi at Mona ay napahiyaw na lamang dahil sa kilig nila para sa naging pagtatagpo ng dalawa.

Image Credit via YouTube

Ibinunyag naman ni Ivana, na si Donnalyn ang unang babaeng naging ‘crush’ ni Hashim, kaya naman talagang labis ang naging pamumula nito ng makita ang dalaga na kanyang hinahangaan.

Image Credit via YouTube

Imbis nga na si Hashim ang maging amo sa “yaya for a day” vlog ni Ivana, ay ito pa ang nagsilbi kay Donnalyn, na talaga namang nakakakilig tingnan.

Makikita nga na inagawa ni Hashim ang hinuhugasang plato ni Donnalyn. Si Donnalyn kasi ang nakatoka na maghugas ng kanilang pinagkainan, ngunit ito nga ay inagawa ng binata sa naturang dalaga, kilig diba?

Pinutakte naman ng pang-aasar nina Ivana at Mona si Hashim, ng ito ay kainin ni Donnalyn ng prutas. Hindi nga lamang ito ang nagpapakilig sa lahat, dahil mas lalo pang umapaw ang kilig ng kantahan ni Donnalyn si Hashim ng kanyang sikat na kanta na may titulong “Kakaibabe”.

Tila nga nagkaroon na ng ideya si Ivana, kung ano ang kanyang gagawin kapag nais niyang asarin ang kanyang kapatid na si Hashim, dahil sa talagang kitang kita niya kung paano ito naging ‘speechless’ sa harap ni Donnalyn.

Ibinahagi naman ni Hashim kung ano nga ba ang kanyang nagustuhan sa actress-vlogger din na si Donnalyn Bartolome, at ayon nga sa binatang Alawi, ay talagang nagandahan siya dito, at hinangaan niya rin ang pagiging ‘down to earth’ nito.

Para naman kay Ivana, kung magkaroon man ng chance na magkamabutihan ang kanyang kapatid na si Hashim at kaibigang actress-vlogger na si Donnalyn, ay talaga namang maging botong-boto siya sa mga ito.

Video Credit: Ivana Alawi/YouTube

“Kay Donnalyn.. boto ako. I like Donnalyn. She’s nice”, ani Ivana.
Matapos nga ang vlog na ito, ay makikita sa Instagram ni Hashim ang naging pagbabahagi niya ng larawan nila ni Donnalyn, na umani naman ng napakaraming “heart reaction” mula sa mga netizens.




Kung noon nga ay hindi naniniwala si Donnalyn na may ‘crush’ sa kanya si Hashim, dahil sa hindi naman siya nito pina-follow sa kanyang social media account, ngunit ngayon nga ay tila nakumpirma na niya na totoong may paghanga ito sa kanya, matapos siya nitong i-follow sa kanyang Instagram.

Samantala, umabot nga agad sa 5-milyon ang views ng vlog na ito ni Ivana matapos niya itong ibahagi sa kanyang YouTube channel noong ika-2 ng Marso ng kasalukuyang taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *