Iwa Moto at Pampi Lacson Masayang Ibinalita Na Magkakaroon Ulit Ng Lalaking Anak

Ang pagkakaroon ng anak, ay itinuturing na isang malaking biyaya na natatanggap ng mag-partner o mag-asawa sa kanilang pagsasama mula sa Poong Maykapal. Kakaiba nga naman ang saya at kulay na ibinibigay ng isang sanggol o anak, sa dalawang taong nagmamahalan.




Isa sa mga magkarelasyon ngayon na muling magkakaroon ng anak, ay ang mag-partner na sina Iwa Motto, at Pampi Lacson. Sina Iwa at Pampi, ay mayroon ng panganay na anak, at ito ay isang babae na pinangalanan nilang si Hirome Aiko Eve.

Photo Credit: iam_iwa/Instagram

At kamakailan nga lamang nga ay inanunsyo ng mag-partner na sila ay muling magkakaroon ng isang anghel o anak, dahil sa pagdadalang-tao ni Iwa.

Photo Credit: iam_iwa/Instagram

Ngayon nga ay alam na nina Iwa at Pampi, ang magiging kasarian ng kanilang magiging pangalawang anak, at ito ay masayang ibinahagi ni Iwa sa kanyang Instagram post.
“We’re having another boy [heart emoji] [preggy woman emoji] excited na kami baby. Love you.”, ang naging pag-anunsyo nga ng aktres.

Photo Credit: iam_iwa/Instagram

Base sa post na ito ni Iwa, ay isa ngang baby boy ang magiging pangalawang anak nil ani Pampi, at excited na ang kanilang pamilya, na masilayan ang munting anghel na ito, lalo at palapit na ng palapit ang buwan ng kanyang pagsilang.

Photo Credit: iam_iwa/Instagram

Samantala, makikita naman sa maternity pictorial ni Iwa, ang isang larawan niya kung saan siya’y aliw na aliw na kumakain, habang ipinapakita ang maumbok na niyang baby bump.

Photo Credit: iam_iwa/Instagram

Malaki naman ang pasasalamat ng aktres sa Poong Maykapal, dahil sa kabila ng iba’t ibang mga negatibong pangyayari sa mundo ngayong taong 2020, ay isang napakalaking biyaya na ang hatid ay pag-asa ang ipinagkaloob nito sa kanila ng partner niyang si Pampi.

Photo Credit: iam_iwa/Instagram

Buwan ng Hulyo ng taong ito, ng masayang ibinalita ni Iwa Motto, na sila ng partner niyang si Pampi Lacson ay magkaka-anak ng muli. Matatandaan na nag-post si Iwa sa kanyang Instagram, ng larawan ng ultrasound, kung saan ay makikita ang lumalaki ng fetus sa loob ng kanyang bahay-bata.

Photo Credit: iam_iwa/Instagram




Ayon nga kay Iwa, lahat silang magkakapamilya ay nanabik ng makita ang bagong miyembro ng kanilang pamilya. Kaya naman kahit hindi pa man ito lumalabas sa kanyang sinapupunan, ay proud na siya na ipakilala ang kanilang ‘baby boy’ sa lahat.

Photo Credit: iam_iwa/Instagram

At dahil sa nalalapit na nga ang buwan ng kanyang pagsilang, ay madalas ng kinakausap ni Iwa ang kanyang baby sa kanyang sinapupunan, na nagdudulot sa kanya ng labis na kaligayahan. Ginagawa na rin ni Iwa ang lahat ng paghahanda, upang sa kanyang pagsilang ay hindi siya labis na mahirapan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *