Iwa Moto Isinilang Na Ang Ikalawang Anak Nila Ng Partner Niyang Si Pampi Lacson

Isinilang na ni Iwa Moto o mas kilala sa tunay na buhay na Aileen Iwamoto ang kanilang ikalawang anak ng partner niyang si Pampi Lacson. Nito nga lamang ika-21 ng Enero, ay winelcome nina Iwa at Pampi ang kanilang baby boy, kung saan ay agad nga itong ibinahagi ng dalawa sa publiko.




“Everyone, meet our healthy little warrior, CALEB JIRO IWAMOTO LACSON”. Ibinahagi rin ni Iwa sa publiko, na ang naging pagbubuntis niya sa kanilang ikalawang anak ni Pampi ay sadyang hindi naging madali para sa kanya. At ayon pa nga sa aktres, ay hindi pa talaga panahon upang isilang niya ang naturang sanggol, dahil hindi pa niya due date.

Photo Credit: iam_iwa/Instagram

Ngunit sa kabila nito, ay nagpapasalamat siya dahil malusog ang sanggol na kanyang iniluwal. Masaya at proud nga si Iwa sa naging pagsilang niya sa pangalawang anak nila ni Pampi. At para nga sa aktres ay isang “warrior’ ang anak, dahil sa kabila ng maagang naging pagluwal niya dito, ay malusog ito.

Photo Credit: iam_iwa/Instagram

“My pregnancy wasn’t easy – in fact, it is still not time for him to come out just yet, but I guess baby CJ is so excited to see and conquer the outside world. Such a warrior just like me, isn’t he? ”

Photo Credit: iam_iwa/Instagram

Maliban pa dito, ay ibinahagi rin ng aktres, ang kanyang lubos na pasasalamat sa mga doktor na umalalay at tumulong na ligtas silang mag-ina sa kanyang naging panganganak.

Photo Credit: iam_iwa/Instagram

Pinasalamatan rin ni Iwa, ang kanyang pamilya, mga kaibigan, at partner niyang si Pampi sa naging taimtim na pagdarasal ng mga ito upang maging maayos at ligtas ang kanyang panganganak, sa kabila ng banta ng krisis.

Photo Credit: iam_iwa/Instagram

“Thank you to our medical team headed by Dra. Villanueva, to our families and friends for including us in your prayers, to my mahal Pampi, it is such a bliss having you by my side on this new journey of ours.”

Photo Credit: iam_iwa/Instagram

Siyempre hindi rin nakalimutan ni Iwa na magpasalamat sa Panginoong Diyos, dahil sa naging pag-gabay nito sa kanilang mag-ina, mula sa kanyang naging pagbubuntis hanggang sa maisilang niya ng ligtas ang kanyang sanggol.




“And above all else, thanl You to our Almighty God for the amazing blessing and for keeping me and baby CJ safe throughout the delivery.”

Ang magpartner na Iwa at Pampi ay mayroon ng naging unang anak bago pa man ang pagdating ni baby CJ, at ito nga ay ang kanilang panganay na anak na babae, na isinilang naman ni Iwa noong taong 2013.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *