Iyah Mina Nakapag Patayo Rin Ng Community Pantry Sa Tulong Ng Kanyang Mga Kaibigan

Ang pagtutulungan nga naman ay nasa puso at diwa na ng Pinoy. Lalo na tuwing may mga kalamidad, o maging ngayong panahon ng krisis ay marami nga sa ating mga kababayan ang nakapag-isip ng kani-kanilang paraan upang makatulong sa kapwa sa maliit o malaking paraan man.




Isa nga sa mga naging patok na pagtulong sa iba ngayong panahon ng pandemya ay ang tinatawag na community pantry, kung saan itinayo ito ng mga kababayan nating nakaluluwag sa buhay o kaya naman ng mga grupo na may layuning magbigay ng tulong sa iba.

Photo Credit: iyah_mina/Instagram

Samantala, maging mga kilalang personalidad din, kagaya ng ilang mga artista ay nakiisa sa pagkakaroon ng community pantry sa kanilang lugar. At kabilang na nga rito ay ang aktres na si Iyah Mina.

Photo Credit: iyah_mina/Instagram

Ibinahagi ni Iyah Mina, kilalang stand-up comedienne, sa madlang pipol kung paano sila nagsimula ng kanyang mga kaibigan sa pagtulong nila sa kanilang mga kabarangay, sa pamamagitan nga ng pagbibigay sa mga ito ng mga food supply.

Photo Credit: iyah_mina/Instagram

Nagtayo ang aktres kasama ang kanyang mga kaibigan ng community pantry na nung una umano ay nagsimula lamang sa halagang P6,000 – P7,000 na mula sa kanilang naging ambagan, hanggang sa lumaki na nga ito ng lumaki. At ang ginawa ng bilang organize community patry na ito, ay tinawag nila na “Team Project Gr8.”

Photo Credit: iyah_mina/Instagram

“Nag-start ito actually kaming magkakaibigan, pinag-uusapan lang naming sa group chat ng magbabarkada and then ‘yung isang friend ko ana aliw siya doon sa initiative ng Maginhawa pantry and then sabi ko ‘Bakit hindi natin simula? Start natin.”

Photo Credit: iyah_mina/Instagram

Matapos nga ang usapan nilang magkakaibigan, ay napagkasunduan nga nila na magsimulang mag-organisa ng isang community pantry sa kanilang lugar, na ang layunin ng ay makakatulong sila sa kanilang kapwa.

Sila ng ang pagkakaibigan ay nag-ambag para simulan ang kanilang community pantry. Tig-isang libo sila, at nakalikom nga ng 6k hanggang 7k na halaga.

Dahil sa nakita nila na marami silang mga nagtutulungan sa proyekto na ito na kanilang ginawa, ay naisipan nila na ibahagi sa iba ang layunin nila na makatulong sa pamamagitan ng community pantry, sa pagbaba kasali na may nais rin na nagpaabot ng tulong sa kanilang kapwa.

Nakamamangha naman sa loob lamang ng 24-oras ay agad silang naka-likom ng 100,000 Yes, at agad-agad nga ay one hundred thousand na ‘yun. “And then napag-usapan namin na bakit hindi naming i-post baka may gusto pang mag-help. Tapos ayun na nga, sa isang araw, nakalikom kami ng 100,000 yes one hundred thousand agad-agad in 24 hours lang ‘yon.”

Video Credit: Iyah Mina/YouTube

Mula nga ng i-post nila ang ginawa nilang community pantry ay nagsimula na din dumagsa ang mga nais pang mag-donate. Marami ang dumating nga mga bigas, gulay at iba iba pang food supply na nilagay niya sa community pantry.




Inamin din naman ni Iyah Mina na challenging ang pag-organisa at pangunguna sa ginawa nilang proyekto na ito, lalo na nga’t patuloy pa rin ang banta ng [email protected] sa kalusugan ng marami. Kaya naman talagang sinisigurado nila lagi ang kaligatasan at seguridad ng kanyang mga kabaranggay.

Matatandaan naman na nauna ng mag-organisa ng community pantry ang ilan pang mga artista, kagaya na nga lamang nina Pokwang, Paolo Ballesteros, Kier Legaspi, Gabbi Garcia at Angel Locsin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *