Iza Calzado Ipinasilip Sa Publiko Ang Kanyang Magara At Modernong Condominium Unit

Ang 37-taong gulang na aktres na si Iza Calzado ay kilala bilang Maria Izadora Ussher Calzado-Wintle ng kanyang pamilya. Isa siyang mahusay na aktres, host, modelo, mananayaw at endorser dito sa Pilipinas.

Photo Credit: missizacalzado/Instagram




Una siyang naging bahagi ng GMA Network na kung saan ay tumagal siya rito ng sampung taon, sa ngayon ay lumabas siya sa ABS-CBN dahil sa pagkakaroon niya rito ng eksklusibong kontrata at isang “non-exclusive contract” naman sa Star Cinema.

Photo Credit: missizacalzado/Instagram

Dahil sa pagiging isang masipag, mahusay at determinado ng aktres ay hindi nga nakapagtataka na nakapag pundar ito ng ilang mga ari-arian na bunga ng kanyang pagsisikap at kinikita sa kanyang trabaho.

Photo Credit: missizacalzado/Instagram

Isa nga sa mga mamahaling ari-arian na naipundar ni Iza Calzado ay ang kanyang magara at modernong condominium unit na matatagpuan sa lungsod ng Makati. Ayon sa ilang mga ulat, bago pa man tumingin ng property ang aktres sa Makati ay inuna muna nitong ipinagbili ang isa niyang property na nasa Quezon City.

Photo Credit: missizacalzado/Instagram

Ang condo unit na ito ng aktres ay tuluyan niyang nabili noong taong 2014. Noong una nga daw ay nais agad ng aktres na ipaayos agad ang naturang condo ngunit ito ay kanyang ipinagpaliban dahil mas inuuna niya muna ang mortgage nito.

Photo Credit: missizacalzado/Instagram

Matapos ngang mabayaran ang naturang mortage ay agaran namang humingi ng tulong ang aktres sa isa niyang kaibigan principal designer na si Nix Alanon ng FTA Design, ito umano ang nanguna sa pag-aayos at pagpapaganda ng naturang condo unit ng aktres.

Photo Credit: missizacalzado/Instagram

Hanggang ngayon nga ay tuloy-tuloy pa rin ang pagpapaayos at pagpapaganda ng kanyang Condo at hindi rin umano niya minamadali ang pag-aayos nito, ayon sa katres.

Photo Credit: missizacalzado/Instagram

Ibinahagi din ng aktres na noong una ay nais niya na ang maging tema ng kanyang bahay ay French Theme ngunit dahil sa masyadong “girly” ang temang ito ay pinili na lamang niya na maging “feminine” ang maging tema ng kanyang bahay at medyo may ‘edgier’ din na parang maihahalintulad sa personalidad na mayroon ang aktres.




Talaga nga namang pinaglaanan at pinag gastusan ng aktres ang kanyang bahay upang ito ay maging magarabo at moderno. Kaya’t kamangha-mangha ang naging resulta ng loob ng tahanan ng aktres magmula sa foyer, living at entertainment area, dining at kitchen area, powder room, bathroom at ang pinakamagandang bahagi ng kanyang tahanan ay ang kanyang bedroom at walk-in-closet na isa sa mga paboritong lugar ni Iza.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *