Iza Calzado May Ibinigay Sa Kanyang Kasambahay Na Talagang Nagpasaya Rito

Masasabi nga naman natin na kapag ikaw ay gumawa ng mabuti sa iyong kapwa at tumulong sa iba na hindi humihingi ng anumang kapalit ay talaga namang may magandang balik ito sa iyong buhay.



Tulad na lamang ng mabuting kasambahay ng aktres na si Iza Calzado, na si Donna Garcia, na kung saan ng dahil sa kanyang pagiging matapat at mabuti ay pinagkalooban siya ng aktres ng isang napakagandang bagay na talaga namang nagpasya at nagpakuha rito.
Photo Credit: missizacalzado/Instagram
Sa isang bagong ere na docu drama ng ABS-CBN ay ibinahagi ng aktres na si Iza Calzado ang kanyang buong pasasalamat sa kanilang kasambahay, ito ay sa unang naging episode ng “Paano Kita Mapasasalamatan”, na kung saan ang host nito ay si Judy Ann Santos-Agoncillo.
Photo Credit: missizacalzado/Instagram
Ayon kay Iza ay talagang nagpapasalamat siya sa kanyang kasambahay na si Donna, dahil sa pagiging mabuti at tapat nito sa kanya.
Photo Credit: missizacalzado/Instagram
Kung aking tatandaan, ay isa ang aktres na si Iza Calzado sa mga tinamaan ng sakit na Covid-19, na alam naman nating pinaka delikadong sakit dahil sa ito ay maaaring ikamatay ng kung sino man ang tagpuan nito.
Photo Credit: missizacalzado/Instagram
Ngunit kahit pa ng aba batid ni Donna, na maari siyang mahawa ng aktres, dahil close-contact siya nito ay hindi nito nagawang iwan ang aktres at isa pa nga ito sa mga nag-alaga kay Iza ng ito ay magkasakit.
Photo Credit: missizacalzado/Instagram
At bilang pasasalamat nga ni Iza kay Donna, ay binigyan niya ito ng isang thankful gift, kung saan ay iniabot niya rito ang isang susi ng kanilang bahay sabay sinabi na “Bahay Natin Ito.”
“Dahil ano man ang mangyari sa buhay, saan man tayo dalhin nito, tandaan mo na may susi ka sa bahay naming.
Photo Credit: missizacalzado/Instagram
Parte ka ng bahay na ito, dahil ‘yan sa pagmamahal at pagmamalasakit na ibinigay mo sa amin. Maraming maraming salamat,” saad nga aktres.



Para nga kay Iza ay itinuturing na niya si Donna na miyembro ng kanilang pamilya, kung saan ay ano man ang mangyari sa buhay nito ay laging maging bukas para rito ang kanilang tahanan kaya naman ay buong galak niyang ipinagkaloob rito ang susi ng kanilang tahanan na talaga namang ikinatuwa nito.
Video Credit: Iza Calzado/YouTube
https://www.youtube.com/watch?time_continue=4&v=1voJQtFGVHE&feature=emb_logo
Masasabi nga natin na sa isang simpleng pagtulong at kabutihan na ipinapakita mo sa iyong kapwa ay maaring magbalik sa iyong buhay ng sobra sobrang biyaya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *