Jackie Rice Nag-React Sa Pagkakasama Niya Sa Listahan Ng “Escort Service” Ng Isang Website

Maraming mga kontrobersiya ang bumabalot sa mundo ng showbiz. Bagama’t makulay ang mundo ng showbiz, hindi pa rin natin maiiwasan makarinig ng mga tsismis na bumabalot dito. Marami na ring kumakalat na mga balita tungkol sa iba’t-ibang artista na tungkol sa kanilang iba pang mga trabaho. Kadalasan, ang mga salitang ito ay isang kontrobersiya ng maaaring makasira sa kanilang reputasyon o makatulong para mas lalo pa silang sumikat bilang artista.

Photo Credit: Jackie Rice/Google




Katulad na lamang ng isa sa mga pasabog na balita na kumakalat ngayon sa social media tungkol sa aktres na si Jackie Rice. Kumalat ang screenshots na kuha sa website na Manila Bookings. Ayon sa website na ito, tumatanggap raw si Jackie Rice ng “escort service” sa halagang P2 milyon! Hindi man ito kumpirmadong kung totoo o hindi, pinagpiyestahan pa rin ito ng mga netizens.

Photo Credit: Jackie Rice/Google

Pero para sa sexy star, wala itong katotohanan kung kaya’t dinaan na lamang niya ito sa biro. Sa pamamagitan ng kanyang Instagram story, binahagi niya ang nag-viral na screenshot na may nakalagay na caption na “Please check their site and book me now.” Maliban pa rito, nagpost rin siya ng mensahe at sinabing kailangan raw taasan ang 2 milyong piso lalo pa’t nagtrending siya ngayon. Sa katunayan, mas natutuwa pa nga si Jackie sa atensyon nakukuha dahil sa loob ng 13 taon niya sa showbiz, trending pa rin raw siya. Pinasalamatan niya rin ang social media dahil sa ginawa nilang ito.

Photo Credit: Jackie Rice/Google

Hanggang ngayon ay hindi pa rin kumpirmadong kung totoo nga ang isyu. Pero kung inyong mapapansin, hindi man itinanggi ni Jackie Rice, alam naman nating hindi siya ganoong klase ng tao. Minsan, ang akala nating nakakasira sa isang tao ay siyang makakatulong sa pagpapa sikat dito. Nakakatuwa rin ang positibong reaksiyon ni Jackie sa kabila ng posibleng pagyurak ng isyung ito sa kanyang reputasyon bilang artista at bilang isang tao. Sana matutunan natin ang ginagawa ni Jackie sa mga ganitong kontrobersiya: ang tumawa na lamang.

Photo Credit: Jackie Rice/Google




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *