Jake Cuenca Ibinahagi Ang Dahilan Kung Bakit Hanggang Ngayon Ay Hindi Niya Pa Rin Inaalis Ang Couple Tattoo Nila ng Ex-Girlfriend Na Si Roxanne Guinoo

Matatandaan na noong oktubre-12, taong 2019 ng maging isa sa panauhin ni Boy Abunda sa ‘Tonight With Boy Abunda” o TBWA ang isa sa mga most beloved Kapamilya actor na si Jake Cuenca.




Sa panayam ngang ito, ay sinagot ng aktor ang ilang mga katanungan ni Tito Boy sa hot seats question and answer tungkol sa kanyang bagong serye ng Precious Hearts Romance: Los Bastardos na napapanood noon sa Kapamilya Gold time slot.

Image Credit: juancarloscuenca/Instagram

Ibinahagi rin ni Jake sa panayam niyang ito, ang ilang mga detalye sa kinakailangan pang abangan ng mga manonood sa kanilang teleserye.

Image Credit: juancarloscuenca/Instagram

Nagpasalamat din ang aktor sa mga taong naniniwala sa kanyang kakayahan bilang isang artista, na nagtiwala sa kanya na ginagampanan niyang mabuti ang magiging karakter niya sa seryeng ito,

Image Credit: juancarloscuenca/Instagram

Para nga bigyan ang mga manonood ng ilang kaabang-abang sa nasabing serye, pinakiusapan ni Tito Boy si Jake na magbigay ng isa sa kanyang famous line sa kanyang na papalapit na drama series at sabihin ito sa iba’t ibang paraan na iba-iba rin ang personal character.

Image Credit: juancarloscuenca/Instagram

Ang karakter niya sa Los Bastardos ay Isagani, at isa nga sa kanyang mga famous lines ay ang “Masasagot na ang lahat ng tanong sa pagkatao ko.”

Image Credit: roxanneguinoo/Instagram

At challenged nga kay Jake ang sabihin ito bilang iba-ibang karakter, at sinabi niya ito bilang isang serial killer, isang pre-school teacher na nakikipag-usap sa isang bata, at isang tao na nag pro-proposed sa kanyang kasintahan. Sa ginawa nga niyang ito, ay muling pinahanga ni Jake ang King of talk, at maging ang mga manonood ng nasabing show.

Maliban nga sa pagiging kilala at popular ni Jake, sa kanyang galing sa pag-arte, ay kilala rin siya bilang isa sa mga aktor sa industriya na may pinakamaraming tattoo sa katawan.

Ng tanungin siya na tungkol dito, ay sinabi ng aktor kay tito Boy na para sa kanya, ang kanyang mga tattoos ay tila mga ‘souvenirs’, at ang iba naman ay sumisimbolo ng mga espesyal na kaganapan sa kanyang buhay.




Inamin din ng aktor, na hanggang ngayon ay may tattoo name pa siya ng kanyang isang ex-girlfriend at ito nga ay walang iba kundi si Roxanne Guinoo, kung saan ayon pa sa kanya ay pareho silang nagpapalagay nito ni Roxanne at hindi umano nila ito matatanggal hanggat hindi pa sila ikinakasal.

Alam naman ng marami sa atin, na ilang taon na ring kasal si Roxanne Ginoo sa asawa nito ngayon at masayang namumuhay kasama ang kanilang mga anak, napa bura na kaya nito ang couple tattoo nila ni Jake? Maybe, dahil nga naman kasal na ang dating aktres.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *