Jake Cuenca Ipinasilip Ang Simple Ngunit Eleganteng Condo Unit Sa Mandaluyong

Ang 32-taong gulang na aktor na si Jake Cuenca o mas kilala bilang si Juan Carlos Cuenca sa totoong buhay ay isang American-Filipino na modelo at aktor sa Pilipinas. Isinilang si Jake sa San Jose, California, ngunit lumaki dito sa Pilipinas sa lungsod ng Maynila.

Photo Credit: juancarloscuenca/Instagram




Ang kanyang ina ay si Rachele Leveriza na isang negosyanteng Pilipino at ang kanyang ama naman ay si Juan Tomas Cuenca na isang arkitekto at mayroong dugong Espanyol na nagmula sa Valencia, Spain. Mayroon ding dalawang kapatid ang nasabing aktor at ito ay sina Rufo at Bea.

Photo Credit: juancarloscuenca/Instagram

Naging mag-aaral din si Jake ng PAREF Southridge sa Muntinlupa, isang eksklusibong paaralan na para lamang sa mga lalaki. Isa ring “sports enthusiast” ang nasabing aktor noong kanyang kabataan, at sa katunayan nga ay minsan na siyang nag laro sa “United Football League Division 2” sa Team Socceroo FC.”

Photo Credit: juancarloscuenca/Instagram

Ngayon si Jake Cuenca ay kilala bilang isa sa mga gwapo, matikas at magaling na aktor sa industriya ng showbiz dito sa PIlipinas. Ilang beses na rin niyang napatunayan ang kanyang galing at talento sa pag-arte. At dahil sa angking talento at galing ay nakatanggap na rin siya ng mga parangal katulad ng Best Actor Award na natanggap niya taong 2016 na ginanap sa Brazil para sa Indie Film niya na “Mulat”.

Image Credit via Google

BIlang aktor na patuloy ang pamamayagpag ng karera ay nakapag pundar na rin si Jake Cuenca ng mga ari-arian na bunga ng kanyang kasipagan.Isa na nga sa kanyang mga naipundar ay kanyang napakasimple ngunit eleganteng Condominium Unit na matatagpuan sa Mandaluyong.

Image Credit via Google

Kamakailan nga lamang ay ibinahagi ng aktor ang itsura ng kanyang Condo at makikita nga na ang interior design nito ay “masculine” na talagang masasabi mo ba ang nagmamay-ari ay isang lalaki. Ayon kay Jake ay ang architectural firm ng kanyang lolo na R.A Leveriza & Associates ang kanyang nilapitan upang maginterior design sa kanyang condo unit.

Image Credit via Google




Pagpasok nga sa loob ng Condo ng aktor ay kapansin-pansin agad ang flat screen television, floor mat na kulay itim at ang kanyang couch na kulay abo. Napakalawak din ng Master Bedroom at bathroom ng Condo Unit ng aktor, at hindi rin nagpahuli sa lawak ng espasyo ang walk-in-closet nito na kung saan ay makikita ang kanyang mga damit, sapatos at iba pang kagamitan.

Image Credit via Google

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *