Jake Cuenca May Ibinunyag Tungkol Sa Dating Nobya Na Si Roxanne Guinoo

Marami sa atin ang kinahihiligan ang pagpapa-tattoo sa katawan, ang iba ay kakikitaan ito ng pagiging isang artistic, at ang iba naman ay nagpapa-tattoo para sa pagkakaroon ng alaala sa mga bagay na hindi nila nais makalimutan sa kanilang buhay.



Hindi nga lamang sa mga ordinaryong tao makikita ang pagkakaroon ng tattoo sa katawan, dahil mayroon ding ilang mga kilalang artista ang kakikitaan natin ng tattoo, at isa na nga sa mga ito ang gwapong aktor na si Jake Cuenca.
Image Credit via Google
Ayon nga kay Jake, ang bawat tattoo sa kanyang katawan ay mayroong kanya-kanyang meaning o ibig sabihin, at ito nga ay ibinahagi ng aktor ng siya ay makapanayam ni Tito Boy sa Tonight with Boy Abunda.
Image Credit via Google
Dito na nga nabunyag ng aktor, na ang isa pala sa kanyang mga tattoo ay alaala pa ng kanyang dating nobya na si Roxanne Guinoo.
Image Credit via Google
Kwento ng aktor, noong sila pa ni Roxanne, ay nagpa-tattoo sila pareho, kung saan ay nangako umano sila sa isa’t isa na hindi nila ipapabura ang tattoo na iyon kahit nag hiwalay na sila, at ipapatanggal lamang niya iyon kung sila ay nagsipag-asawa na.
Image Credit via Google
Sa ngayon, ay binata pa rin nga ang aktor na si Jake Cuenca, kaya marahil ay makikita pa rin sa kanyang katawan ang tattoo na ala-ala niya sa dating nobyang si Roxanne.
Image Credit via Google
Samantala, batid naman ng marami sa atin na si Roxanne Guinoo ngayon ay happily-married na sa kanyang asawa at mayroon na rin itong mga anak, kaya marahil ay pinabura na ng aktres ang tattoo na kapareho ng kany Jake Cuenca.
Image Credit via Google
Ayon pa nga kay Jake, ay mayroon siyang 23 na mga tattoos kanyang katawan, kung saan ang iba pa nga sa mga ito ay sa ibang bansa pa niya pinagawa.



Ibinagi rin ng aktor, na ilan sa kanyang mga tattoo ay pinapagawa niya, kapag mayroon siyang isang proyekto na talaga namang ayaw niyang makalimutan.
Mapapansin nga sa mga larawan ng aktor, na ang kanyang mga tattoo ay madalas niyang ipinapalagay sa kanyang braso o di kaya naman ay sa kanyang hita. Ano naman ang masasabi niyo sa naging pagbubunyag na ito ni Jake, tungkol sa kanilang tattoo?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *