James Reid At Daniel Padilla Magsasama Sa Iisang Pelikula

Sino nga ba ang hindi nakakakilala sa dalawa sa pinakabagong aktor ng kanilang henerasyon na sina Daniel Padilla at James Reid? Sina Daniel at James ang maituturing na dalawa sa pinakasikat na artista ngayong panahon. Saksi ang maraming Pinoy sa pag-usbong ng karera ng dalawa. Maliban sa kanilang angking galing sa pag-arte, hindi naman maipagkakaila ng mga kababaihan ang angking karisma at kagwapuhan ng dalawa.




Hindi magkamayaw ang mga kababaihan at kabaklaan sa presensya pa lamang ng isa sa kanila sa telebisyon man o sa mga sinehan. Ang bawat isa sa kanila ay malakas ang dating, paano na lang kaya kung nagsama ang dalawang aktor na ito sa sinehan?

Nitong nakaraan lamang, sumabog ang social media dahil sa mga netizens na hindi magkamayaw matapos lumabas sa social media ang isang short video clip kung saan tinampok sina Daniel at James sa pamamagitan ng Instagram account ng Viva Artist Agency. Napag-alamang ang na ang dalawang artista ay magsasama sa isang pelikula.

“Doble Hataw” ang pamagat ng magiging pelikula ng dalawa. makikita ang dalawang aktor sa video na pinag-uusapan ang nasabing pelikula. Sabik na sabik raw si James na makatrabaho si Daniel Padilla. “Action-packed” raw ang pelikulang ito.

Para naman kay Daniel, komportable raw siyang trabaho si James. Hindi raw siya nahihirapan sa trabaho dahil sobrang “chill” raw ang lahat magmula sa mga karakter hanggang sa mga staff. Katulad rin ni James Reid, sabik na rin raw si Daniel sa magiging pelikula nila ni James.

Hindi rin magkamayaw ang mga fans ng dalawa lalo pa’t magsasama ang dalawang bigating aktor. Si Daniel ay kasama sa tambalang KathNiel habang si James ay sa JaDine. Ang KathNiel at JaDine ang maituturing na dalawa sa pinakamalaki at pinakamataas na “love teams” sa showbiz industry dito sa Pilipinas.
Inaasahang dadagsa ang mga manonood sa pelikulang ito ng dalawang aktor lalo pa’t napakarami nilang mga fans!




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *