James Reid At Nadine Lustre Usap-Usapang Nagkabalikan Na Ulit

Matatandaan, buwan ng enero pagpasok ng taong 2020 ng kumpirmahin ng tambalan at magkasintahan James Reid at Nadine Lustre na silang dalawa ay hiwalay na, nakakalungkot naman ng marami nilang tagahanga.




Sa isang joint statement na ipinadala ng dalawa sa “Tonight with Boy Abunda”, ay kinumpirma nga nito ang paghihiwalay ng dalawa noong enero 2020.

Image Credit via Google

Ngunit ngayon, makalipas ang limang buwan matapos ang napabalitang hiwalayan ng “JaDine” (tambalang James at Nadine) ay matunog namang usap-usapang ngayon sa social media na di umano’y nagkabalikan na ang dalawa.

Image Credit via Google

Limang buwan, matapos ang naging paghihiwalay ng dalawa (James Reid at Nadine Lustre), usap-usapan naman ngayon sa social media na sila’y nagkabalikan na. Ito ay matapos lumabas sa online world ang magkahiwalay na larawan ng dalawa na parehong kinunan umano sa iisang couch dahil sa pareho ang background ng mga ito.

Image Credit via Google

Makikita nga ang magkaibang larawan nina James at Nadine na tila ito ay kinunan sa iisang red couch, dahil sa background ng mga ito. Ilan ngang mga tagahanga ng dalawa, ang nagsasabi na ang magkahiwalay na larawan ng dalawa ay parehong kinunan sa iisang lugar at ito ay sa bahay ng aktor na si James Reid kung saan ay naging “love nest” nila noon ni Nadine, noong sila’y magkarelasyon pa.

Image Credit via Google

Isang tagahanga pa nga ng dalawa ang nagkomento ng “Huli pero hindi Kulong.” Samantala, sa isang episode ng online talk show na #OKS4T ni Dj Jhai Ho nitong nakaraan lamang May 29, 2020 araw ng Biyernes ay sinabi nito na isang reliable source umano ang nagsabi sa kanya na “together again” na muli ang dalawa (James at Nadine).




Marami nga naman sa mga tagahanga ng dalawa, ang magiging masaya kung totoo nga ang balitang ito, dahil sadya nga namang nakakamiss makita sa telebisyon ang kilig na dulot noon ng pagsasama nina James at Nadine mapapelikula man ito o totoong buhay.

Image Credit via Google

Ngunit sa ngayon, ay marami ang mas nag-aabang na kumpirmahin nina James Reid at Nadine Lustre kung totoo nga ba ang usap-usapang ito na silang dalawa ay nagkabalikan na. Kaya naman talagang abang na abang na ang marami sa atin sa magiging kumpirmasyon ng dalawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *