‘Darna’ actress na si Janella Salvador at kanyang anak na si baby Jude, namasyal sa napakagandang isla ng El Nido, Palawan sakay ng isang yate. Kamakailan lamang ay muling naging laman ng balita ang Kapamilya actress na si Janella Salvador, at ito ay dahil nga sa umano’y hiwalay na sila ng ama ng kanyang anak at partner niyang si Markus Paterson.
Sa kabila ng pananahimik ni Janella sa totoong estado ng relasyon nila ni Markus, nito nga lamang nakaraan ay nagsalita na ang Kapamilya actress at nakiusap nga sa publiko na hayaang maging pribado kung ano man ang nangyayari sa pagitan nila ng aktor.

Samantala, tila naman mas ine-enjoy ngayon ni Janella ang pagiging isa niyang ina sa anak niyang si Jude Trevor na isang taong gulang na. Dahil nito nga lamang nakaraan, ay masayang ipinasilip ng Kapamilya actress ang naging nakaka-relaks na pagbabakasyon nila ni Baby Jude sa El Nido.

Makikita sa Instagram account ng 24-taong gulang na si Janella ang pagbabahagi niya ng mga larawan, at ilan nga sa mga ito ay kuha ng sila ay nasa yate ng anak niyang si Jude. Masisilayan din ang mga larawan ng aktres habang siya ay nagka-kayak na tila naman talagang ine-enjoy niya.

Ayon nga sa ulat, maliban sa naging pamamasyal ni Janella ay baby Jude sa Palawan, ay nagtungo rin nga ang mag-ina sa isla ng Boracay. Matatandaan na marami ang ginulat ng aktres na si Janella Salvador ng kanyang isapubliko noon nga lamang nakaraang taon ang pagkakaroon na niya ng anak, kung saan ang ama nga nito ay ang aktor na si Markus Paterson.

Marami man ang nasorpresa, ay mas marami namang kaibigan at tagahanga ng dalawa ang nagpaabot ng suporta sa parenthood journey ng mga ito. Samantala, sa lumabas naman na balita kamakailan lamang na hiwalay na nga umano si Janella at Markus ay marami naman sa mga tagahanga nila ang hindi maiwasan na manghinayang sa pinagsamahan ng dalawa.

Sa kabila nito ay wala namang kumpirmasyon mula kana Janella at Markus, patungkol nga sa tunay na estado ng kanilang relasyon, basta’t ang napansin nga lamang ng ilang mga netizens ay hindi na nagkakasama sa mga larawan sa kanilang Instagram post ang dalawa.
Si Janella Salvador ay isa sa mga mahuhusay na aktres ng Kapamilya network, at siya nga ay aabangan sa upcoming Darna television series, kung saan ay gaganap siya bilang si ‘Valentina’. Makakasama naman ni Janella sa nasabing serye sina Jane de Leon at Joshua Garcia.