Janine Berdin Nagbigay Ng Mensahe Tungkol Sa Malaking Pagbabago Sa Kanyang Sarili

Kamakailan lamang ay naging trending sa social media ang 2nd Grand Champion ng Tawag ng Tanghalan na si Janine Berdin, ito ay dahil sa kanyang “new looks” na talaga namang naging-agaw pansin sa mga mata ng mga netizens.



Marami ngang mga netizens ang nakapansin sa bagong itsura ngayon ni Janine Berdin, ito ay base nga sa kanyang larawan sa social media na ibinahagi ni Mary Letim Ponce ng ML Salon Spa, kung saan nagpa-ayos at nagpakulay ng kanyang buhok ang singer.
Photo Credit: janineberdin/Instagram
Makikita nga sa nag-trending na mga larawan ni Janine, ang pagbabago sa kanyang buhok, kung saan ay mas gumanda ito dahil sa kulay nitong purple-ash hair.
Photo Credit: janineberdin/Instagram
Ngunit hindi nga lamang ito ang talagang umagaw sa atensyon ng mga netizens, dahil mas napansin nga ng marami ang malaking pagbabago sa itsura nito, katulad na lamang sa mas maputi na ang skin complexion nito ngayon at talaga namang mas gumanda pa ito.
Photo Credit: janineberdin/Instagram
Hindi nga napigilan ng ibang mga netizens na ikumpara ang dating itsura ni Janine, sa bagong itsura niya ngayon, at hindi nga maitatanggi na malaki ang naging pagbabago ng itsura ngayon ng singer, kumpara sa kanyang itsura noon.
Photo Credit: janineberdin/Instagram
Dahil rito ay lumabas nga ang mga usap-usapan na sumailalim si Janine sa beauty enhancement procedure.
Photo Credit: janineberdin/Instagram
Sa kabila naman ng mga spekulasyon ito, ay marami pa ring natanggap na paghanga, papuri at suporta si Janine, sa naging pagbabago nga ng kanyang imahe ngayon.
Narito nga ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens;
Photo Credit: janineberdin/Instagram
“Take time to appreciate Janine Berdin new look, grabe yung glow up both pics are pretty.”
[email protected]!!!! Janine Berdin looks good with her transformation”
“Look the transformation of Janine, she’s so gorgeous.”
Photo Credit: janineberdin/Instagram
“Still can’t over on Janine Berdin’s new look.” Maliban pa nga sa mga papuring ito sa naging pagbabago ng itsura ni Janine, ay mayroon ring mga komento ang mga netizens, kung saan ay ipinakita nila ang kanilang pagtatanggol sa singer sa mga bumabatikos dahil sa naging pagbabago nito.
“so what if nagparetoke si Janine Berdin. That makes her feel good and feel better, kanya kanya pls.” “stop hating on Janine Berdin for choosing to enhance certain parts of her body, HER BODY, HER MONEY, HER CHOICE.”
Samantala, sa online show ni Darla Sauler na “Catch Up” nitong Martes, ay nagbigay ng mensahe si Janine para sa mga taong pambabatikos sa kanya at inamin rin ng singer na kaya naging “blooming” siya, ito ay dahil sa hindi siya natakot magbago .
“Naging blooming po ako kasi hindi ako natakot mag-change. I thinks that’s everyone should keep in mind na we shouldn’t afraid of change. Na pwede rin tayong mag change. If there something you don’t like about yourself, and you’re not happy about it, then you can do something to make yourself happy.”



“Let’s us not condemn change. Kung may gustong mag-change, ipa-change mo sila basta masaya sila”, ang naging saad nga ni Janine.
Ayon nga sa naging pahayag ni Janine, sa isang taong nais may mabago sa kanyang sarili na mas sa tingin niya ay nakakabuti ito sa kanya at mas maka pagbibigay kasiyahan sa kanya, ay hindi na dapat ikatakot ang pagbabago, dahil sa isang beses lang umano ito tayo mabubuhay sa mundo, kaya’t mas mainam na gawin natin ang mga bagay na nakakapagpasaya sa atin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *