Janine Gutierrez Ibinahagi Na Tumayo Itong Ina Sa Mga Kapatid Simula Magkahiwalay Ang Kanilang Mga Magulang Na Sina Monching At Lotlot

Ang mga magulang, lalo na ang isang ina, ay ang unang tao na nagiging proud sa achievement ng kanilang anak, at ito ay dahil sa lubos ang nararamdaman nilang kasiyahan kapag nakikita nila na may magandang nangyayari sa buhay ng mga anak nila.




Katulad na nga lamang ng aktres na si Lotlot de Leon na super proud sa kanyang panganay na anak na si Janine Gutierrez, dahil sa mga achievement nito ngayon sa buhay, lalo na bilang isang aktres sa mundo ng showbiz.

Image Credit via Google

Sino ba namang ina ang hindi magiging proud, kung ang iyong anak ay nakakuha ng parangal na ‘best actress’?

Image Credit via Google

Sa ginawa kasing pelikula ni Janine na “Babae at Baril” ay nakatanggap ito ng best actress awards, kaya naman talagang proud na proud para sa kanya ang kanyang inang si Lotlot. Maliban pa dito ay kaliwa’t kanan na rin ngayon ang mga proyekto ni Janine sa iba’t ibang movie outfit, matapos niyang maging isang Kapamilya star.

Image Credit via Google

“Sabi ko sa kanya, everything that she’s getting now was because of her hardwork, so, I’m very proud of her talaga”, ang naging pahayag ni Lotlot sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga sa ‘I Feel You’.

Image Credit via Google

Dagdag pa nga ng ina ni Janine, ay sampung beses ang kanyang nararamdamang kaligayahan para sa lahat ng biyayang tinatamasa ngayon ng kanyang anak sa karera nito.

Image Credit via Google

“Because that’s all we ever wanted for our children to be happy, to live, to be healthy, achieve their dreams so talagang nakikita ko siya na masaya siya, ang dami na rin niyang natutunan sa ilang taon na nandito siya sa industriya and she’s learned from all the mistakes as well, so nakakatuwa”, pahayag pa ng proud mom.

Image Credit via Google

Ayon pa nga kay Lotlot, hindi nila ine-encourage ng kanyang ex-husband na si Monching o Ramon Christopher, na pasukin ng kanilang mga anak ang mundo ng showbiz. Ngunit, bata pa lamang umano si Janine, ay nakikita na niya sa panganay na anak ang potensyal nito, at tila nga ito ang kanyang anak na papasok sa industriya.

Maliban pa sa pagiging isang proud mom sa achievement ng panganay na anak, ay ibinahagi rin ni Lotlot kung gaano ka-responsible bilang ate si Janine sa kanyang mga nakababatang kapatid.

Sey pa ni Lotlot, ng maghiwalay sila ni Monching, ay tila naging isang ina rin si Janine sa mga kapatid nito, at may pagka-istrikto pa nga ito lalo na pagdating sa pag-aaral ng mga kapatid nito.

“Janine was very responsible. Responsableng ate ‘yan. When I separated with their father, she’s still very young and my youngest is only 2 years old.”

“We did not live in the same house and but she was like a mom also to her siblings, pero lagi kong pinapaalala sa kanya kasi she’s also very strict when it comes to the studies of her mga kapatid, ‘o nag-aral ka na ba, o homework mo, you have to wake up early, you have school tomorrow, ganun siya.”

Ngayon nga ay nasa ABS-CBN na si Janine, kung saan ay kasama na niya sa iisang network ang kanyang kapatid na si Diego Gutierrez na isang singer.




Masaya naman talaga si Lotlot de Leon, dahil sa kakapirma lamang din niya ng kontrata sa ABS-CBN, kaya naman tatlo na sila ngayon sa nasabing network.
“Parang it’s meant to be ‘no?” ani Lotlot. Mapapanood naman natin ngayon si Lotlot sa de Leon sa Kapamilya series na “Walang Hanggang Paalam” ng Dreamscape Entertainment.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *