Janno Gibbs Ibinahagi Ang Naging Karanasan Niya Ng Ma-encounter Si WilliE Revillame Sa Shopping

Ang Kapuso actor/Host na si Willie Revillame ay kilala ng marami dahil sa pagiging mapagbigay at matulungin niya na makikita natin sa lahat ng pagkakataon ng kanyang mga naging variety show.

Photo Credit: jannolategibbs/Instagram




Ilan nga sa mga ginagawang tulong ng aktor ay pamimigay ng mga giveaways sa kanyang mga nagiging studio audience tulad na lamang ng mga Jacket, smartphones at pera.

Photo Credit: jannolategibbs/Instagram

Ilang taon na nga itong ginagawa ng 59-taong gulang na host/aktor lalo na pagdating sa kanyang mga variety show na maliban sa pagbibigay kasiyahan ay may kasama pa nang mga giveaways sa mga studio audience.

Photo Credit: jannolategibbs/Instagram

Ang dating aktor ng GMA-7 na si Janno Gibbs, ay may naging karanasan rin sa pagiging mapagbigay ni Willie Revillame. Ayon sa aktor, ito ay nangyari ng minsang nakasalubong niya si Willie sa isang Mall.

Photo Credit: jannolategibbs/Instagram

Ibinahagi ng 49-taong gulang na aktor, ang mahalagang pangyayari sa naging pagkikita nila ni Willie sa isang boutique sa loob ng Mall.

Photo Credit: jannolategibbs/Instagram

Ayon kay Janno, nasa loob siya ng Zara boutique sa Power Plant Mall sa Makati City upang gawin ang kanyang routine na pagsa-shopping ng makabanggan niya si Willie.

At sa pangyayari ngang ito ay nagkaroon sila ng kaunting kamustahan at kwentuhan ng host/actor, at ng matapos ay nagpaalam na sa isa’t isa upang gawin ang kani-kanilang business sa lugar na iyon.

Ngunit hindi pa nakakalayo si Janno kay Willie ay muling nilapitan siya nito, at tinanong kung ano ang nais niyang bilhin sa naturang boutique.

Agad namang tinanggihan ni Janno ang tanong ni Wille, ngunit nagpumilit pa rin ito at bigla na lamang sinabi sa sales lady ng boutique na “Bigyan ng Jacket yan.”
“Nakasalubong ko si Willie Revillame while shopping.”

“Nagkwentuhan, Nag-goodbye na akong“Binalikan niya ako. Tinanong ano raw gusto ko. Sabi ko wag na. Mapilit siya.”b“Inutusan ang saleslady “Bigyan ng Jacket yan.”




“Salamat pare. Ikaw na nga.” Sa pagtatapos nga ng post niya ito ay inihayag ni Janno na hindi niya makakalimutan ang surprise treat sa kanya ni Willie. Minsan na ring nagtrabaho sina Janno at Willie sa GMA-7 ng halos dalawang taon.

Ngayon naman ay nasa ABS-CBN network na si Janno, at si Willie ay nanatiling nasa GMA Network. Patunay lamang ito na kahit pa nga nasa magkaibang network na ay hindi pa rin nawawala ang pagkakaibigan ng dalawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *