Jao Mapa Ng “Gwapings” Noong 90’s Heto Na Pala Ang Buhay Niya Ngayon

Natatandaan nyo pa ba si Jao Mapa? ang isa sa mga nakilala nating miyembro ng grupo noong 90’s na gwapings. Kung saan siya ay kinilala bilang pang apat ng myembro dito, at ang mga kasamahan niya rito na halos mga kaedaran lang din niya ay sina Mark Anthony Fernandez, Eric Frausto at Jomari Yllana.




Si Jao Mapa o Jose Vicente P. Mapa III ay kinilala ng publiko bilang isang aktor, at maliban nga rito ay isa rin siyang maituturing na pintor dahil sa taglay niyang talento sa pagpipinta.

Image Credit via Google

Nagsimula ang karera ni Jao sa industriya sa isang sikat na commercial ng softdrinks noong dekada 90’s.

Image Credit via Google

Maliban nga sa pagiging isang aktor at commercial model ay pinasok rin ni Jao ang mundo ng hosting kung saan ay naging co-host siya sa mga sikat na noontime variety show na Eat Bulaga at Asap.

Image Credit via Google

Tuluyan ngang namayagpag ang karera ni Jao sa industriya ng showbiz kung saan ay kabila’t kanang mga pelikula ang kanyang nagawa, na talaga namang tumatak sa maraming mga manonood.

Image Credit via Google

Ilan nga sa mga pelikula na kanyang ginawa na tumatak sa maraming manonood ay ang Baler, Tunay na Mahal, Maalaala Mo Kaya:The Movie at marami pang iba.

Image Credit via Google

Ngunit, sa gitna ng namamayagpag na karera noon ng nasabing aktor ay bigla na lang itong naglaho sa telebisyon at showbiz

Image Credit via Google

Ayon sa ilang balita, isa sa mga naging dahilan umano ni Jao sa pagbitaw ng kanyang karera bilang isang artista ay dahil sa pagiging broken hearted niya matapos siyang ipagpalit sa iba mg kanyang non-showbiz girlfriend.

Image Credit via Google

Ngunit nasaan na ba si Jao Mapa ngayon? at ano na ang buhay ng dati’y isang magaling at hinahangaang aktor?,

Ayon sa isang ulat, wala umanong naging pagsisisi si Jao sa nagawa niyang desisyon noon na iwan ang industriyang minsan niyang kinabibilangan noon.

“Hindi ko naman hinahanap ‘yung ganun (sikat). I’ve been there, done that. I mean, what’s there to look for? I already had my time”, pahayag ni Jao.

Matapos ngang iwan ni Jao ang mundo ng showbiz, bumalik siya sa kanya pag-aaral upang tapusin ang kanyang kursong Fine Arts, Major in Advertising sa Unibersidad ng Santo Tomas.

At lumipas nga ang ilang taong pagkawala niya sa industriya ng showbiz, taong 2015 ay muling nasilayan si Jao Mapa sa telebisyon ng kanyang mga tagaha at ito ay ng maging guest star siya sa seryeng “FPJ, Ang Probinsyano.”

Magsisimula na nga ba muli ang dating aktor sa pagbabalik telebisyon? “Well yeah hopefully, tuloy-tuloy na in fact kasama ako sa pilot ng Ang Probinsyano and I’m under new management”.

Maliban sa kanyang pagiging abala sa pagbabalik showbiz ngayon, ay abala rin umano ang aktor sa kanyang exhibits kung saan ay ipapakita rito ang kanyang mga obra bilang isang pintor.




Hindi nga lang ang career bilang isang artista at pintor ngayon ang pinagkakaabalahan ni Jao. Dahil abala rin siya sa kanyang buhay may pamilya kasama ang asawang si Cecille kung saan ay biniyayan na sila ng tatlong anak na sina Benjamin, Caleb, at Amber Marie.

Makikita rin sa social media ng actor ngayon, na maliban sa mga bagay at career na pinagkaka-abalahan nito ngayon ay pinasok na rin nito ang mundo ng private corporate world kung saan ag kumuha ito ng eksaminasyon para sa isang high position sa SMDC.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *