Jay-R Siaboc Naghimutok Dahil Sa 14-Taon Ang Lumipas Wala Pa Ring Nakukuhang Premyo Sa Pinoy Dream Academy

Condo Unit at Waffle Franchise, eto ang dapat na premyo ng Cebuana singer na si Jay-R Siaboc sa kanyang pagwawagi noon sa Pinoy Dream Academy, ngunit 14-taon na ang lumipas mula ng siya’y magwaging runner-up ay hindi pa rin umano niya ito nakukuha.




Upang ipahatid ang kanyang himutok, ay nagpost sa kanyang Facebook account, si Jay-R Siaboc, nito lamang araw ng Biyernes, ika-27 ng Nobyembre 2020.

Image Credit via Google

Matatandaan na si Jay-R Siaboc, ay ang itinanghal na 1st runner-up sa Pinoy Dream Academy Season 1 noong taong 2006, kung saan ay ang sikat na singer na ngayon na si Yeng Constantino ang itinanghal na grand winner.

Image Credit via Google

Ayon sa naging paglalahad ng Cebuano singer, 14-taon na ang lumipas mula ng magwagi siyang runner-up sa PDA (Pinoy Dream Academy), ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin napapasakanya, ang premyo niya dapat na condo unit at waffle franchise. Dagdag pa ni Jay-R, hindi niya alam, kung may pag-asa pa ba na makuha niya ang mga ito.

Image Credit via Google

Dahil sa pagkakaroon ng krisis kung saan ay isa si Jay-R sa mga walang trabaho, ay dito niya umano muling naalala ang mga bagay na ito, at naniniwala siya, na dapat ay napunta sa kanya ang mga nasabing premyo.

Image Credit via Google

Samantala, makalipas naman ang ilang oras ay muling nagpost ang 33-taong gulang na singer, at dito ay kanyang sinabi na wala siyang intensyon na makasakit ng damdamin, at ang nauna niya umanong post ay hindi niya binigyan ng konteksto.

Image Credit via Google

“Gusto q lang po klarohin yung post ko kanina, WaLA po akong intensyon na makasakit or makaoffend ng kahit sino, simple lang po ang gusto q Nagbabakasakali lang po aq.

Image Credit via Google

Dun sa mga nagsalita/react ng hindi maganda dun sa post ko pakiusap lang po mag-search muna kayo bago po kayo manghusga, wag kayo magsalita kung WALA tayo masyado alam. Salamat po”, saad ng ani Jay-R sa kanyang naging sunod na post.

Isang concerned Kapamilya naman ang nagpadala ng link online sa PEP.ph, nito lamang ika-28 ng Nobyembre, at ang link ng ito ay naglalaman ng isang artikulo pa noong taong 2018, kung saan ito ay isinulat ni Throy Catan sa Showbiz News Intrigues (SNI).

Ang nilalaman ng link na ito, ay ang naging panayam ng SNI sa Cebuano singer, noong 2018, ng ito ay maging guest sa Kadayawan Festival 2018 ng Agusan Del Sur.

Sa nasabing panayam, ay doon nga isiniwalat ni Jay-R na ang kanyang condo unit, ay kinakain daw ng kanyang dating manager na kinilala ng si Mario, at maliban pa rito, ay nakakamit rin umano nito ang kanyang pera sa bangko.

Nakalagay pa nga sa nasabing artikulo, na kaya nangyari ang pagkamkam, ay hindi umano alam ni Jay-R na ang account sa bangko, ay isang joint-account pala nila ng dating manager na si Mario, kaya naman nalimas talaga nito ang lahat ng pera niya sa bangko.

Nakasaad pa sa artikulong ito, na upang maayos ang naturang isyu, ay pinagharap ng Star Magic si Mario at Jay-R, kung saan ay nangako umano si Mario, na ito ay makikipag-ayos sa nasabing singer, ngunit matapos umano noon, ay nawalan na sila ng komunikasyon.




Lumalabas naman, na walang naging pagkukulang ang ABS-CBN kay Jay-R Siaboc. At tila binuhay lamang ni Jay-R ang isyu, upang ipromote ang kanyang lumang kanta.

Hiling naman ng ilan, na sana ay makabalik si Jay-R Siaboc sa industriya ng musika, dahil hindi maikakaila na napatunayan na rin nito minsan na siya ay may lugar sa nasabing industriya, dahil sa ipinakita na niyang husay at galing bilang isang mang-aawit noon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *