Hanggang ngayon nga ay ‘single’ pa rin ang status ng Kapuso actress na si Jean Garcia o sa tunay na buhay nga ay mas kilala ng kanyang pamilya bilang si Jessica Anne Rodriguez Maitim.
Ngayon nga ay 53-taong gulang na ang isa sa mga hinahangaang aktres sa industriya ng showbiz. Ngunit sa kabila ng kanyang edad na ito, ay hindi naman ito mababakas sa kanyang pisikal na anyo dahil talaga namang napakaganda pa rin nito. Matatandaan na ang huling naging karelasyon ni Jean Garcia ay isang businessman, kung saan ay taong 2014 pa ng sila ay maghiwalay.

Sa kabila ng napakatagal nan gang panahon ng pagiging single ng Kapuso actress, ay hindi naman niya ito alintana, dahil ayon nga sa kanya ay hindi niya prayoridad ngayon ang magkaroon ng lovelife, dahil sa mas nais nga niyang bigyan ng pokus at atensyon ang kanyang mga anak lalo na ang kanyang mga apo.

Si Jean Garcia ay mayroon ng apo sa kanyang anak na si Jennica Garcia, na isa ring dating aktres, ngunit mula ng magkaroon ng sariling pamilya ay mas pinili nga nito ang mamuhay ng simple at malayo sa kinang ng kamera.

Samantala, ibinahagi naman ni Jean na may mga nangingimbita naman sa kanya na lumabas at makipag-date, ngunit dahil sa ang ilan nga sa mga ito ay mas bata sa kanya kaya naman hindi niya masyadong ine-entertain ang mga ito. Kamakailan nga lamang ay ipinagdiwang ni Jean ang kanyang ika-53 taong kaarawan, kung saan ay pinasalamatan nga ng aktres ang lahat ng mga taong naka-alaala sa espesyal na araw ng kanyang buhay.

Sa Instagram ng aktres, ay makikita ang naging pagbabahagi nito ng kanyang larawan kasama ang kanyang mga anak, kalakip nga ang caption niya na;

“This year I was reminded of the many kind people I have in my life from many birthday wishes I received. To everyone who wished me a Happy Birthday yesterday, you all made my day extra special, thank you guys sooo much,.. you rock!!! Sending my love back to all of you! Take care and stay safe everyone! [yellow heart emoji][sunflower emoji]”
Ang Kapuso actress na si Jean Garcia ay mayroong dalawang anak, ito nga ay ang dating aktres na si Jennica Garcia na anak nga niya kay Jigo Garcia, at ang anak niyang lalaki na si Kotaro, na ang ama ay isang Hapon na nakarelasyon noon ng aktres.