Jericho Rosales, Nagviral Dahil Sa Magandang Pag-uugali Na Ipinakita Niya Sa Isang Crew Sa Loob Ng Mall

Marami sa atin ang may pag-uugali na kapag may mga pangyayaring hindi inaasahan ay dali-daling kinukuha ang mga camera upang makunan ang pambihirang pagkakatong iyon. Maaaring mahilig lamang siguro tayong magimbak ng mga ala-ala o sadyang mahilig lamang tayong kumuha ng litrato sa lahat iba’t-ibang lugar at iba’t-ibang tao.




Dahil na rin sa paglago ng teknolohiya at sa kapangyarihan ng social media, mahilig tayong magbahagi ng mga litrato sa social media upang ipakita sa mga tao ang mga pangyayari sa ating buhay. Kahit mga mumunting bagay at aktibidades ay binabahagi rin natin sa social media upang malaman ng mga tao ang ating ginagawa lalo na sa ating mga kamag-anak na nasa malayo.

Katulad na lamang kung tayo ay nakakakita ng mga sikat na artista, talaga namang hindi tayo magkaugaga sa pagkuha ng litrato dahil nga naman ay minsan lang mangyari ang pagkakataong ito. Malamang marami sa atin ang nakaranas nang makaharap sa personal ang kahit isang sikat na artista. Siyempre, bilang isang pambihirang pagkakataon ito, nagpapakuha tayo ng litrato kasama ang artistang ito para magsilbing patunay kapag nagkwento tayo sa ating mga kaibigan.




Ngunit sadyang may mga pagkakataon na maaaring hindi tayo pagbigyan ng ating mga idolo sa pagkuha ng litrato dahil sa mga sumusunod na rason: Una, maaaring hindi sila pinapayagang magpalitrato ng kanilang manager lalo na kung mayroong taping.

Pangalawa, maaaring kasama nila ang kanilang mga mahal sa buhay kung kaya’t ang pagpayag sa pagpapalitrato ay maaaring makabastos sa kanilang kasama. Pangatlo, maaaring maraming ginagawa ang iyong idolo na hindi na talaga puwedeng magaksaya ng oras. At pangapat, baka sadyang mahilig lang mangdedma ang artistang iyong nakasalamuha.




Binahagi ni Dennish Diane, na isang Facebook user, ang kanyang naging karanasan sa aktor na si Jericho Rosales. Kanyang ipinaliwanag sa kanyang post angg dahilan kung bakit hindi agad pumayag si Echo na magpalitrato sa kanya. Umabot na sa mahigit tatlumpung libong shares ang kanyang post.

“Me: Jericho! Pwede magpapicture?
Sya: wait ate, may hinahanap lang ako na store.
Me: okay po. (Nakasimangot, akala ko masungit siya)
After 30 mins. Habang nag aayos ako ng menus
Jericho: TARA NA ATE! PICTURE NA TAYO!
Me: OMG!! Binalikan nya ko! Hahahahaha”




Talaga nga namang isang kahanga-hangang aktor si Jericho, dahil maliban sa kanyang angking husay sa pag-arte, isa rin siyang mapagkumbaba at simpleng tao sa kabila ng kanyang kasikatan.Narito ang mga ibinahaging comments ng mga netizens.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *