Jessy Mendiola Ibinuking Si Luis Manzano Na Nag-Oorganize Ng Job Fair Para Sa Mga Kapamilya Employees Na Nawalan Ng Trabaho

Dahil sa naging desisyon ng Kamara sa hindi pagpayag na ma-irenew ng ABS-Networks ang kanilang prangkisa ay batid natin na marami sa mga empleyado ng nasabing network ang talagang apektado at maaaring mawala ang ikinabubuhay.



Ito ang patuloy na ipinaglalaban ngayon ng ilang mga kilalang artista na ang hiling ay pagbigyan muli ang ABS-CBN na i-renew ang prangkisa nito. Marami nga ang mga artista na makikita natin nagpapa-abot ng kanilang mga mensahe para sa mga nakakataas sa ating bansa na pagbigyan muli ang nasabing network.
Photo Credit: senorita_jessy/Instagram
Samantala, may ilan din namang mga artista na nanatiling tahimik kahit pa nga ba may pinagdadaanan ngayon ang kinabibilangan nilang estasyon. Kaya naman hindi mapigilan ng ilang mga bashers na mapona ito, at isa na nga sa kanilang mga napuna ay ang host na si Luis Manzano.
Photo Credit: senorita_jessy/Instagram
Ipinagtanggol ng aktres na si Jessy Mendiola ang kanyang nobyo sa mga basher nagsasabing nanahimik ito at walang ginagawa sa kabila ng pinagdadaanan issue ng ABS-CBN.
Photo Credit: senorita_jessy/Instagram
Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ng aktres ang larawan ng kanyang nobyong si Luis Manzano kasabay ng nakatakip na mensahe dito, na sa kabila ng maraming bashers na nagsasabi na wala itong boses sa pinagdaanan ngayon ng ABS-CBN network ay ibinunyag ni Jessy na tahimik na gumagawa ng aksyon si Luis upang tulungan ang kanyang mga staff na nawalan ng trabaho.
Photo Credit: senorita_jessy/Instagram
“This man has been working the phone for the past 3 days. Meron siyang ginagawang job fair group kasama ang iba niyang mga kaibigan para mailipat at makatulong sa ibang kapamilya employees na nawalan ng trabaho. Alam ko na hindi ko na dapat ito i-post. Pero sobrang proud ako sayo love. You’ve been putting others first before yourself.”
Photo Credit: senorita_jessy/Instagram
Ibinahagi rin ng aktres kung ano ang pinaka-unang naging reaksyon ni Luis ng kahatulan ng Denial ang franchise renewal ng network. “Paano yung staff ko? (meaning paano daw yung mga staff niya sa shows niya.)” Ito umano ang unang naging reaksyon ni Luis.



Sinabi rin ng aktres na dahil sa hindi pagbabahagi si Luis ng mga bagay na kanyang ginawa para sa mga ilang staff ng nasabing networks ay siya na lang ang gumawa nito. Nagpasalamat din si Jessy dahil sa kabutihan ng puso ng taong kanyang minamahal, at sa walang sawang pagtulong nito sa iba.
“Hindi man lahat matutulungan mo, ang importante ginagawa mo lahat sa abot ng makakaya mo.” “Sobrang buti ng puso mo, sobrang thankful namin sayo.”, saad nga ng aktres.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *