Jhong Hilario At Non-Showbiz Girlfriend Na Si Maia Azores Masayang Ibinahagi Na Magkakaanak

Magkasabay na kinumpirma ng 44-taong gulang na It’s Showtime host na si Jhong Hilario at ng 29-taong gulang na longtime non-showbiz girlfriend nito na sa Maia Leviste Azores sa kani-kanilang social media account, na silang dalawa ay magiging mga magulang na.




Matatandaan na noong ngang ika-26 ng Nobyembre, ay halos magkasabay lang ang naging pagbabahagi nina Jhong Hilario at Maia Azores, ng larawan sa kanilang Instagram account kung saan ay makikita at halata na ang lumalaking baby bump ni Maia.

Photo Credit: maialevisteazores/Instagram

Kalakip nga ng naturang larawan ay ang maikling caption lamang na; “Thank you Lord! #Sampleprincess #SamplePrince”Ang larawan ngang ito na parehong ibinahagi ng magkasintahan, kung saan makikita ang baby bump na ni Maia, ay kuha sa naging bakasyon nilang dalawa sa Balesin Island, bago pa man nga nanalasa ang bagyong Ulysses sa nasabing lugar noong ika-11 ng Nobyembre 2020.

Photo Credit: maialevisteazores/Instagram

Mapapansin naman, na wala ng iba pang mga detalye na ibinahagi ang magkasintahan patungkol sa panibagong kabanata ng buhay at relasyon nila ngayon.

Photo Credit: maialevisteazores/Instagram

Samantala, may lumabas naman na mga balita na di umanoy nagpakasal sina Jhong at Maia sa Balesin Island Resort, ngunit wala namang anumang kumpirmasyon mula sa magkasintahan kung ito nga ba ay totoo o hindi.

Photo Credit: maialevisteazores/Instagram

Dahil naman sa magandang balita na ito na ibinahagi nina Jhong at Maia, na bagong kabanata sa kanilang buhay, na sila’y malapit ng maging mga magulang, ay bumuhos naman ang pagbati mula sa kanilang mga kaibigan.

Photo Credit: maialevisteazores/Instagram

Marami sa mga kaibigan ng 44-taong gulang na It’s Showtime host mula sa noontime show ng ABS-CBN, ang nagpa-abot ng pagbati dito, kagaya na nga lamang ng kanyang mga kasamahan sa naturang show na sina Anne Curtis at Tiyang Amy Perez.

Photo Credit: maialevisteazores/Instagram




Batid naman ng marami na malaki ang pagpapapahalaga ng actor-TV host na si Jhong Hilario sa kanyang personal na buhay. Kaya naman maliban sa kaalaman ng marami na 15-taon ang agwat nila sa isa’t isa ng kanyang kasintahan na si Maia Azores, ay wala ng iba pang detalye o impormasyon na nalalaman ang publiko tungkol sa pagsasama nila ng kasintahan.

Photo Credit: maialevisteazores/Instagram

Maging ang mga tagahanga naman ni Jhong Hilario, ay natuwa sa magandang balita na ito, at marahil ang ilan nga sa kanila ay excited ng malaman kung ano nga ba ang magiging baby nina Jhong at Maia, ito ba ay magiging #samplePrincess o #sample Prince.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *