Jhong Hilario Inamin Na Mas Bata Sa Kanya Ang Babaeng Nagpapatibok Sa Puso Niya Ngayon

Unang nakilala bilang miyembro ng isa sa mga sikat na dance group na Streetboys noong 90’s ang tv host, actor, dancer at politician na si Jhong Hilario, na kung saan ay kasama niya rin sa grupong ito ang co-host niya sa Showtime na si Vhong Navarro.




Taong 1996 naman ng pasukin no Jhong ang pagiging isang aktor , at isa nga sa mga natatanging pag ganap na kanyang ginawa bilang isang aktor ay ng gampanan niya ang karakter ni “Gary David” sa sa hit serye na Mara Clara na pinagbibidahan naman nina Kathryn Bernardo at Julia Montes.

Photo Credit: jhonghilario/Instagram

Hindi rin nalilimutan ng marami, ang naging karakter niya sa “FPJ, Ang Probinsyano”, na kung saan ay gumanap siya bilang si Homer Adlawan o Alakdan.

Photo Credit: jhonghilario/Instagram

Sa ngayon ay isa nga Jhong Hilario sa nga official host ng top rating noontime show program na “It’s Showtime” ng Kapamilya Networks, simula pa nga taong 2012. Isa rin siya sa mga councilor ng Makati City na nagbibigay serbisyo sa ating mga kababayan doon.

Photo Credit: jhonghilario/Instagram

Minsan na ngang ikinasal noon si Jhong Hilario sa isang British National na si Michelle Westgate, ngunit hindi nagtagal ang pagsasama nilang dalawa.

Photo Credit: jhonghilario/Instagram

Ngayon nga sa isang pahayag ng  isa sa mga ABS-CBN entertainment site, ay kinumpirma umano ng 35-taong gulang na aktor na si Jhong Hilario na siya ay nasa isang masayang relasyon mula pa noong 2014 sa isang dalaga na mas bata umano sa kanya ng halos 15-taon.

Photo Credit: jhonghilario/Instagram

Mula nga noon, ay naging bukas sa publiko si Jhong pagdating sa relasyon niya sa naturang dalaga na di umano’y nagtatrabaho sa isang airline company bilang isang Cabin Crew.

Photo Credit: jhonghilario/Instagram

Ang naturang dalaga nga na karelasyon ngayon ni Jhong Hilario ay kilala bilang si Maia Azores, at ayon sa isang ulat ay “Pangs” ang naging tawagan ng dalawa habang pinapatunayan nga nila sa lahat na sa kabila ng malaking agwat ng edad nila sa isa’t isa ay mas malaki naman ang kanilang pagmamahal sa bawat isa.

Makikita nga sa mga larawan na ibinabahagi ni Jhong sa kanyang Instagram ang sayang nadarama nila ng kanyang nobyang si Maia. Ilan pa nga sa kanilang mga larawan ay mga naging baskyon at pamamasyal nilang magkasama sa iba’t ibang lugar at maging sa ibang bansa.




Ayon naman kay Jhong, 6-taon na silang magkarelasyon ni Maia at ito ay tatagal pa, dumaan rin umano sila sa pagsubok dahil nga noong una ay tumutol ang pamilya ng dalaga sa kanilang relasyon.

“But Love Wins” ika nga, kaya naman matapos ipaglaban ni Jhong si Maia at ang kanilang relasyon sa pamilya nito ay heto sila ngayon at going strong, still counting on many years to come sa kanilang relasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *