Jimmy Santos Sinubukan Nanaman Ang Pagiging Car Wash Boy Sa Kanyang Pinaka Bagong Vlog

Kahit na sikat at kilala na sa mundo ng showbiz ang komedyanteng si Jimmy Santos ay mayroon pa rin ngang mga pagkakataon at panahon na gusto niyang subukan ang ibang mga bagay sa labas ng kanyang career. Maliban nga sa pagiging isang komedyante, ay isa na ring vlogger ngayon si Jimmy Santos, kung saan ay kanya ngang ipinapakita sa mga vlog niya ang pag-explore niya sa iba’t ibang mga trabaho o ikinabubuhay ng ilan sa ating mga kababayan.




Pagdating nga sa comedy ay isa si Jimmy Santos sa talaga namang kilala ng marami, ngunit nito nga lamang mga nakalipas na taon ay tila bihira na nga natin siyang natutunghayan sa ating mga telebisyon, ito nga ay dahil magmula ng sumiklab ang krisis sa ating bansa ay tila mas binigyan ng pokus na ni Jimmy ang pagawa ng mga vlogs at ito nga ay kanyang ini-a-upload sa kanyang official YouTube channel na “Jimmy Saints.”

Image Credit via YouTube

Samantala, kung sa mga nakaraang vlogs nga ni Jimmy ay sinubukan niya ang trabaho ng barker sa jeepney at gumagawa ng uling, sa bagong vlog nga na kanyang ini-upload ay pinabilib naman niya ang maraming netizens sa pagiging natural niya ng gawin nga niya ang pagiging car wash boy.

Image Credit via YouTube

Noon nga lamang nakaraang ika-5 ng Abril araw ng Martes, ay ibinahagi ng komedyante sa kanyang YouTube channel ang bago niyang vlog kung saan ay mapapanood nga siyang sumabak sa pagka-car wash boy ato nga ay may titulong “Call Me I Will Wash Your Car With Song”.

Image Credit via YouTube

“Ngayon po ay nandito ako sa parting Angeles sa Clark. Dito po sa car wash kung saan ako nagpapa-car wash”, saad ni Jimmy sa unang bahagi ng kanyang vlog.
Ayon nga kay Jimmy ang lugar kung saan niya sinubukan ang maging car wash boy ay ang car wash sa Angeles sa Clark kung saan nga ay doon din siya madalas na nagpapa-car wash ng kanyang sasakyan.

Image Credit via YouTube

Pagdating nga niya doon ay walang pag-aalinlangan ngang sinubukan ni Jimmy ang pagka-carwash. Makikita pa nga sa video na tila na-enjoy pa ng komedyante ang kanyang ginagawa imbis na mapagod o mahirapan sa nasabing trabaho.

Image Credit via YouTube

Sa pagtatapos naman ng kanyang vlog ay ibinahagi ni Jimmy na hindi siya nagsisi na sinubukan ang pagka-car wash dahil maganda ngang libangan ito lalo na kung gusto mo din na paminsan-minsan ay pawisan ang iyong katawan. Kahit nga pawis si Jimmy ay bakas sa kanyang mukha na tila hindi man nga lang napagod sa kanyang ginawa bagkus ay na-enjoy pa niya ito.




“Maganda rin palang libangan. Para pagpapawis, nag-eensayo ka”, ani Jimmy.
Maraming mga netizens naman ang talagang natutuwa sa mga vlog ni Jimmy at komento pa nga ng iba ay dapat mapanood pa ng marami ang mga video vlog ng komedyante dahil kapupulutan nga ito ng kaalaman.

Leave a Reply

Your email address will not be published.